Walang magmomove on— militante, obispo
“There is no moving on until justice has been served.”
Ito ang sagot ng isang samahan ng kabataan sa pahayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na dapat nang mag-move on sa martial law at mga batikos laban sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang ama – ang dating diktador na si Ferdinand Marcos, Sr.
Binara ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang mga pahayag ni Marcos na tila nakalimutan na ang kabataan ang kumilos laban sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Nobyembre 2016.
“We may not have been alive during that time, but policies passed during his time such as the Education Act of 1982 which hinders our right to education still affect us,” diin ni Joanne Lim ng SPARK.
WALANG KARAPATAN
Sinabi ni Lim na walang karapatan si Marcos na magpahayag para sa damdamin ng kabataang Pinoy.
“She has no right, no claim what our stand is on the issue,” ani Lim, binanggit na walang paglimot kung walang hustisya para sa mga biktima sa panahon ng pamamahala ng ama nito. “There is also no moving on in that we will never forget the damage martial law has done.”
Pinansin din ni Lim na sa ilalim ng adiministrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, “it seems as if Marcos is coming back to haunt us.”
Patuloy na binabatikos si Marcos dahil sa kanyang naging pahayag na: “The millennials have moved on, and I think people at my age should also move on as well” sa press conference sa Cebu sa araw na ginugunita ng bansa ang pagpatay kay dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
‘WAG KALIMUTAN
Binatikos din ng human rights group ang lakas ng loob ni Imee.
“Imee has the audacity to speak on behalf of the millennials, and the discourtesy to address the generation that experienced the horrors and corruption of Martial Law first-hand. The Marcos family are thickskinned, riding on the popularity of a vile and murderous President to creep back into power,” sinabi ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay.
Para kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, hindi dapat kalimutan ng mamamayan ang diktaduryang rehimen ng namayapang si Marcos.
“What does she mean by ‘move on’? Does she mean that we should forget the cruelty of the dictatorial regime of her father?” sinabi ni Bastes sa isang panayam. “No!
Ayon sa Sorsogon prelate dapat pa ngang maging alerto ang taumbayan sa pagbabalik ng diktadurya. “Let us remind the people of our cry: NEVER AGAIN!”