Balita

Barangay secretary nirapido, dedo

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Patay ang isang barangay secretary nang pagbabaril­in ng ‘di pa nakikilala­ng armado sa tapat mismo ng barangay hall sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon. Sugatan naman ang isang vendor dahil sa ligaw na bala.

Isang tama ng bala sa kaliwang mata at isa pa sa kaliwang dibdib ang tumapos sa buhay ni Julio Turla, 54, barangay secretary ng Barangay 314, Zone 31, at residente ng 1452 Lope de Vega Street sa Sta. Cruz, habang sugatan si Agapita Mendez, 42, ng 945 Luzon St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Manila Police DistrictCr­imes Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS) chief, Police Chief Insp. Rommel Anicete kay MPD director, Police Chief Supt. Rolando Anduyan, nakaupo ang biktima sa tapat ng kanilang barangay hall sa T. Alonzo St., kanto ng Lope de Vega St., sa Sta. Cruz, nang lapitan at pagbabaril­in ng armado, bandang 2:41 ng hapon.

Sa pagbulagta ni Turla, mabilis na tumakas ang suspek sakay sa isang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Claro M. Recto Avenue.

Nadaplisan naman ng bala sa hita si Mendez, na nakatayo malapit sa pinangyari­han ng krimen at nagbabanta­y ng kanyang mga paninda.

Sa salaysay ni Kagawad Hilda Turla, kapatid ng biktima, sa loob ng 11 taon ay nagsilbing barangay kagawad sa kanilang lugar ang kanyang kapatid at kasalukuya­ng barangay secretary at nagsisilbi ring driver ni Barangay Chairwoman Aileen Guidotong.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines