Balita

Nanugod, nang-hostage, tinodas

- Yas Ocampo

DAVAO CITY - Napatay ng pulisya ang isang lalaking single parent nang bigla nitong pasukin ang isang bahay at i-hostage ang may-ari nito at kasambahay sa Acacia Lane, Woodridge Park Subdivisio­n sa Davao City, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng Davao City Police ang suspek na si Harland Garvida, 40, ng NHA Bangkal sa lungsod, na dead on arrival sa Southern Philippine­s Medical Hospital (SPMC), dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nauna rito, pumasok si Garvida sa bahay ni Allen de Vera, 47, at nilusob niya ito habang armado ng kutsilyo.

Kinuha ni de Vera ang Glock .9mm na baril nito at papuputuka­n na sana ang suspek ngunit tinangka pa itong agawin ng huli.

Nagpambuno ang dalawa hanggang sa pumutok ito at namataan ng ligaw na bala si Anna Cecilia Flores, 46, may asawa.

Dahil dito, hinostage na lang ng suspek ang pamilya ni de Vera, na nagawang makagamit ng police hotline.

Nang magrespond­e ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team, tinangka ni Chief Insp. Ronald Lao na makipagneg­osasyon sa suspek pero hindi ito umubra kaya ikinasa ang rescue sa mga hostage.

Sa rescue attempt, nasugatan ng patalim sa kaliwang braso ang SWAT member na si PO3 Junrell Tan, kaya napilitan ang mga awtoridad na barilin si Garvida.

Nasa ligtas na kondisyon na si Flores habang nagtamo naman ng bali sa katawan si de Vera.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines