Balita

Trump, pumalag sa mga paratang ni Cohen

-

WASHINGTON (AFP) – Iginiit ni US President Donald Trump nitong Miyerkules na wala siyang ginawang masama matapos siyang idawit ng kanyang longtime attorney sa ilegal na pagbabayad ng pera para patahimik ang mga tao bago ang 2016 election, habang nagbabala ang mga eksperto na ang legal maelstrom ng Republican leader ay lalong ilalagay sa alanganing ang kanyang panguluhan.

Sa marahil ay pinakamala­lang panahon sa panunungku­lan ni Trump, umamin ang kanyang dating fixer na si Michael Cohen sa federal judge nitong Martes sa illegal campaign contributi­ons -- sa pagbigay ng pera para patahimiki­n ang mga babaeng nakarelasy­on ni Trump – sa kahilingan ng kanyang boss.

Ngunit pursigido ang mercurial US leader na malagpasan ang unos.

Inakusahan niya si Cohen ng pagimbento ng ‘’stories’’ kapalit ng plea deal, nag-tweet na ang aksiyon ng abogado ay ‘’not a crime,’’ at sa panayam ng ‘’Fox and Friends,’’ sinabi na ‘’not even a campaign violation’’ ang mga ginawa nito.

Sa payaman, sinabi ni Trump na sarili niyang pera ang ginamit sa hush payments – mayroong dito access si Cohen -- at kahit na wala siyang alam tungkol dito noon, naging transparen­t naman siya nang kanya ito malaman.

‘’My first question when I heard about it was, ‘Did they come out of the campaign?’ because that could be a little dicey,’’ aniya tungkol sa payments -- sa porn star na si Stormy Daniels at Playboy model na Karen McDougal.

‘’But they didn’t come out of the campaign,’’ aniya. ‘’They came from me and I tweeted about it.’’

Sa serye ng mga panayam noong Miyerkules ng umaga, sinagot ng abogado ni Cohen na si Lanny Davis ang Pangulo, na tinawag niyang ‘’criminal.’’

‘’He committed a crime,’’ ani Davis sa CBS News. ‘’If he were not president, he clearly would be indicted and jailed for that crime.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines