Balita

2 tanod, 18 pa, timbog sa police ops

- Mary Ann Santiago

Dalawang barangay tanod, na gumagamit pa umano ng patrol vehicle sa pagbili ng ilegal na droga, at 18 iba pang drug suspects ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakasun­od na police operations sa lungsod, iniulat kahapon.

Sa ulat ng MPD-Malate Police-Station 9, naaresto sina Abel Omugtong, 40; at Eugenio Salanova, 46, kapwa barangay tanod ng Barangay 787, Zone 85, at residente ng Sta. Ana, Maynila, sa anti-criminalit­y operations ng Station Drug Enforcemen­t Team (SDET) sa F. Muñoz Street, kanto ng Zobel Roxas St., sa Malate, bandang 5:05 ng hapon kamakalawa.

Ayon kay Police Senior Insp. Edwin Fuggan, na siyang nanguna sa operasyon, kasamang naaresto ng mga barangay tanod ang parking boy na si Paul Villanueva, 45.

Aniya, gamit pa ng mga barangay tanod ang patrol vehicle ng kanilang barangay nang sila ay bumili ng ilegal na droga, na ginagamit umano nila upang hindi antukin sa trabaho.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong pakete ng umano’y shabu na nagkakahal­ahaga ng P1,200.

Samantala, naaresto naman ng SDET personnel ng Sampaloc Police-Station 4 sa anticrimin­ality operations ang magkapatid na sina Remar at Raymond Tingco sa G. Tuazon St., bandang 1:30 ng hapon kamakalawa. Pagsapit naman ng 2:30 ng hapon, naaresto si Nelson Castro at nakumpiska ang isang pakete ng umano’y shabu sa Algeciras Street.

Dinampot naman ng mga tauhan ng AntiCrime Unit ng PS-4 si Jeffrey Cordeta sa Algeciras St., kanto ng Calamba St., bandang 1:30 ng hapon kamakalawa. Siya ay naninigari­lyo at nakuhanan ng isang pakete ng umano’y shabu.

Hinuli naman sa police visibility patrol ng Sta. Cruz Police Station 3 (PS-3) sina Jonathan Cuardiano, 42; Ariel Caboy, 41; Aniceto Lapis, 35; at Carolina Jacaban, 36, dahil sa paglabag sa smoking ban at nakumpiska­han ng apat na pakete ng umano’y shabu, sa ganap na 4:30 ng hapon kamakalawa.

Nalambat naman sa anti-criminalit­y campaign at visibility patrol sina Dev Pagulayan, 21; at Charlie Serquiña, 21, dahil sa paglikha ng gulo sa lugar at nasamsaman ng dalawang pakete ng umano’y shabu sa Quezon Boulevard, malapit sa kanto ng Carlos Palanca St., sa Quiapo, dakong 11:30 ng gabi kamakalawa.

Huli naman sa buy-bust operation sa Zobel Roxas St., kanto ng Arellano Avenue, sa Malate sina Benjie Cristobal, 29; Edwin Lihayhay, 44; Ryan Sales, 36; at Alfredo Ingat, 18, na nakumpiska­han ng walong pakete ng umano’y shabu at P200 buy-bust money, dakong 1:30 ng madaling araw kahapon.

Pagsapit ng 2:00 ng madaling araw, naaresto naman sa buy-bust operation sina Joseph Cablao, 43; Randy Caban, 29; at Noli Planada, 25, sa Quirino Avenue, malapit sa kanto ng Leveriza St., sa Malate.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines