Balita

3 estudyante huli sa droga

- Bella Gamotea

Tatlong estudyante ang inaresto sa Pasay at Taguig City, kamakalawa.

Sa Pasay, inaresto ang isang high school student makaraang masamsaman ng tatlong pakete ng umano’y shabu sa pinapasuka­n nitong paaralan sa nasabing lungsod.

Hindi nag-atubili ang guwardiya ng paaralan na arestuhin ang suspek, 17, nakatira sa Ivy Street, Barangay 184, Maricaban sa nasabing lungsod.

Agad na ini-report sa awtoridad ang pagkakahul­i sa suspek at rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 8 at inaresto ang estudyante at binitbit sa tanggapan ng Station Drugs Enforcemen­t Unit (SDEU).

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Samantala sa Taguig, nalagay sa balag na alanganin ang dalawang college students makaraang makumpiska­han ng droga at drug parapherna­lia sa isang unibersida­d sa nasabing lungsod.

Nasa kustodiya ng Taguig City Police sina John Clement Try Manalo y Medina at Janine Cardozo y Ilang-Ilang, kapwa nasa hustong gulang.

Sa ulat, inaresto ang mga suspek sa bisinidad ng unibersida­d na matatagpua­n sa Central Bicutan, Taguig City, bandang 2:30 ng hapon.

Nagpapatru­lya ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 5 –Maharlika, kasama ang barangay security force na sina Roberto Nachor at Dexter Robles, nang mamataan ang dalawang estudyante na kahina-hinala ang kilos, kaya sinita hanggang sa nakuha ang limang pakete ng umano’y marijuana, na may timbang na walong gramo, at isang tooter na naglalaman ng naturang droga.

Patuloy na iniimbesti­gahan ang mga suspek sa tanggapan ng Station Drugs Enforcemen­t Unit (SDEU).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines