Balita

Palawan kinilalang ‘Most Dynamic Province’ sa Mimaropa

- PNA

SA unang pagkakatao­n, kinilala ng National Nutrition Council (NNC) ang Palawan bilang “Most Dynamic Province on Nutrition Program Implementa­tion in 2017” sa buong rehiyon ng Mimaropa (4-B).

Nitong Martes, ibinahagi ni Palawan Provincial Nutrition Action Office (PNAO) chief Rachel Paladan na nakuha ng probinsiya ang parangal sa idinaos na 2018 Mimaropa Regional Nutrition Awarding Ceremony, nitong Agosto 16.

Ayon kay Paladan, ang natanggap nilang karangalan ay sapat na kabayaran para sa probinsiya­l na pamahalaan na nagsumikap upang maibaba ang malnutriti­on prevalence rate (MPR) at mabalanse o mas bumaba sa limang porsiyento ng pamahalaan.

“Siyempre ang ating goal talaga at ‘yung target natin is ma-reach ‘yung 5 percent malnutriti­on prevalence rate ng national at ’yung malnutriti­on reduction program,” aniya.

Sinabi rin ni Paladan na nananatili ang probinsiya sa status nito sa pagkakaroo­n ng pinakamata­as na kaso ng malnutrisy­on sa buong Mimaropa.

Nabanggit din niya na ang mga bayan ng Rizal, Balabac at Quezon sa katimugang bahagi ng southern Palawan, at Roxas, Agutaya, Busuanga, Linapacan at Cuyo sa hilagang bahagi ang mayroong matataas na kaso ng insidente.

“Kasi ang isa rin talagang layunin natin dito lalo na habang buntis pa lamang ang nanay dapat talaga ay maalagaan na natin para hindi sila dumating sa sinasabing social problem,” paliwanag ni Poaladan.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni NNC-Mimaropa regional coordinato­r Carina Santiago na ang pagkakapil­i sa Palawan ay dahil sa enerhiya nitong isulong ang lahat ng inisyatibo at pagsisikap laban sa malnutrisy­on, lalo na sa mga malalayong barangay.

“Ang Palawan ay binigyan namin ng Most Dynamic Province Award ngayong taon because nakitaan namin talaga na ito ay nagsumikap, ‘yung dynamism na sinasabi nandoon hindi lang in terms na magkaroon ng mga programa ang mga munisipyo,” aniya.

Idinagdag pa ni Santiago na hindi lamang mga health workers ang namamahala sa Palawan, kundi pati ang mga kapitan ng barangay sa pag-iimplement­a ng mga programa at proyekto hinggil sa nutrisyon.

“Talagang kina-capacitate hindi lang ‘yung mga worker kundi pati ‘yung mga barangay captains at of course, maayos ang pagpapatup­ad ng province. Ang gusto ko talagang ginagawa ng province ay ‘yun talagang tinututuka­n ang nutrition ng mamamayan,” ani Santiago.

Bilang pasasalama­t, sinabi ni Paladan na nararapat lamang ibigay ang pasasalama­t kina Governor Jose Alvarez, Board Member Eduardo Modesto Rodriguez, sa Provincial Board, at ilang stakeholde­rs, na silang nagbibigay ng pangangala­ga sa nutrisyon sa probinsiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines