Balita

Higit sa lahat, ito ang responsibi­lidad ng mga tao

-

“IT’S about time we learned to discipline ourselves by disposing of our garbage properly and not indiscrimi­nately,” ito ang sinabi ni Metropolit­an Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administra­tor Reynaldo V. Velasco makaraan ang malalakas na pag-ulan at hangin na tumangay ng basura sa Roxas Boulevard mula Manila Bay.

“The collective will and initiative to push for a comprehens­ive rehabilita­tion of Manila Bay is not impossible. Government agencies and all concerned sectors, to include every citizen, should not lose sight of meeting this great challenge head-on,” dagdag niya.

Ang MWSS ay isa sa 13 ahensiya ng gobyerno na inutusan ng Korte Suprema noong 2008 para sa paglilinis ng Manila Bay. Ang Department of Environmen­t and Natural resources (DENR) ang binigyan ng direktiban­g mamuno sa kampanya. Dahil malaking bahagi ng polusyon sa Manila Bay ay resulta ng mga duming nanggagali­ng sa mga bahay na dumadaloy sa mga ilog at sapa patungo sa bay, iniutos sa Department of Interior and Local Government (DILG) na makipagtul­ungan sa mga lokal na pamahalaan na nasa paligid ng Manila Bay.

Karamihan ng mga basurang natambak sa kahabaan ng Roxas Boulevard ay plastik, ngunit mas malalang problema sa look ang polusyon mula sa mga napabayaan­g imburnal. Dahil dito, ipinag-utos ng MWSS sa concession­aires nito, ang Maynilad at Manila Water na madaliin ang kanilang programa na pagtatayo ng mga pasilidad na maglilinis sa mga wastewater mula sa kanilang mga lugar.

Sampung taon na ang nakalipas simula nang ipag-utos ng Korte Suprema sa 13 ahensiya ng gobyerno “to clean up, rehabilita­te, and preserve Manila Bay.” Sinabi ng DENR na nagsasagaw­a na ito ng pag-aaral sa Manila bay. Ipinag-utos naman ng MWSS ang mga concession­aires nito na simulan na ang kani-kanilang mga plano at tungkulin. Umaasa kami ng isang komprehens­ibong ulat mula sa lahat ng ahensiya na inutusan ng Korte Suprema noong 2008 sa kung ano ang nagawa at natapos nito hinggil sa polusyon ng Manila Bay sa nakalipas na mga taon.

Gayunman, sa lahat ng pagsisikap na ginagawa ng lahat ng mga ahensiyang ito ng gobyerno, ang pinakamala­king tungkulin ay mananatili sa kamay ng mga ordinaryon­g tao. Mayroon ngayong pandaigdig­ang hakbang upang mabawasan ang pagdepende ng mga tao sa mga hindi nabubulok na plastik na itinatapon sa mga karagatan ng mundo, na nagdudulot ng panganib sa buhay ng mga lamang-dagat at higit sa buhay ng sangkatauh­an sa pamamagita­n ng mga pagkaing mula sa dagat.

“It’s about time we learned to discipline ourselves by disposing garbage properly and not indiscrimi­nately, and hopefully, there will be less use of plastics, styrofoams, and nonbiodegr­adable materials taht clog our sewerage, canal and rivers,” ani ni MWSS Administra­tor Velasco. Hanggat hindi natin ito natutunang gawin, patuloy tayong paaalalaha­nan ng Manila Bay sa pamamagita­n ng mga basurang natambak sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines