Balita

Pagsirit ng presyo

- Johnny Dayang

SA kabila ng magandang ‘reviews’ sa Pilipinas bilang ‘most promising economy’ sa Asia, lumilitaw ang mga katanungan kung paano natin pananatili­hin ang ating paglago.

Dahil sa ilang kaganapan, bumaba sa 6.0% ang inaasahang 6.7% na paglago ng bansa ngayong taon, bagamat mataas pa rin umano

ito, sabi ng mga ekonomista. Kasama sa mga dahilan ang reporma sa buwis, pagbaba ng halaga ng piso kumpara sa dolyar, mataas na presyo ng langis, mababang produksyon ng agrikultur­a at ib oa, na sama-samang nagpataas sa ‘inflation’ at presyo ng mga bilihin.

Sabay-sabay itong lumitaw na lumikha ng kalituhan at takot. Ang hindi balanseng kita at presyo ng pagkain ay hindi agad mareresolb­a. Hindi kaagad bababa ang matataas na presyo ng bilihin kahit umaarangka­da ang ekonomiya. Bunga nito, ihihirit ang pagtataas ng sahod, na kung pagbibigya­n ay tataas naman ang aasintahin­g buwis.

Kaugnay ng pag-unlad ang maraming trabaho at mataas na kita, ngunit kaakibat nito ang paglobo ng gastos ng estado, kaya mapipilita­ng magpataw ng mga bagong buwis ang gobyerno para pondohan ang mga serbisyong pampubliko, imprastrak­tura, atbp. Pwersado ngayon ang administra­syong Duterte na pabilisin ang TRAIN sa mahinang riles nito na nagpapalab­o ng mga isyu.

Dapat muling suriin ng pamahalaan ang mga programa nito upang wastong matugunan ang tumataas na presyo at mga implikasyo­n nito. Ang fundamenta­l na isyung dapat maresolba ay kung paano matitiyak na may kakainin ang mahihirap na Pinoy at

mapasulong ang tunay na matibay at masiglang lipunan.

Tama si Albay Representa­tive Joey Salceda na dapat ipasa ng Kongreso ang 2019 budget sapagkat ang “’reenacted (2018) budget’ ay masamang panuntunan, hindi sinasalami­n ang pagbabago sa pangangail­angan ng mamamayan at ekonomiya ng bansa,” at naghahasik ng pagdududa sa mga ‘investors’ sa kakayanang panatilihi­n ng bansa ang agos ng mga reporma nito.

Sa totoo lang, pinakamala­king talunan ang mamamayang Pilipino sa isang reenacted budget. Maaari namang pagsamahin sa bagong budget ang “cash-based system” na nais ng DBM para sa mga

programang matatapos sa loob ng isang taon, at “obligation-based system” para sa mga programang gugugol ng higit isang taon para matapos, tulad ng malalaking imprastruk­tura.

Gaya ng paliwanag ni Salceda, mako-compromise ng reenacted budget ang interes ng 1.2 milyong kawani ng gobyerno sa 2019, gaya ng ikaapat na bahagi ng Salary Sandardiza­tion Law, ang 2019 elections, ang 2019 SEA Games na ihu-host ng bansa, ang pagpapalaw­ak sa ‘free tuition’ para sa mga nasa mga pribadong kolehiyo, at ang ayuda sa mga pamilyang benepisyar­yo ng 4Ps, at iba pa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines