Balita

Ilabas ang medical bulletin ni DU30

- Ric Valmonte

NAGING isyu na naman ang kalusugan ni Pangulong Duterte. Kasi, pagkatapos niyang ihayag na siya ay nakahanda nang magbitiw dahil pagod na siya, hindi na siya muling nakita. Ayon kay Communist Party of the Philippine­s founder Joma Sison sa kanyang Facebook, nakatangga­p siya ng ulat nitong nakaraang linggo na

nagkasakit ang Pangulo at nawalan ng ulirat.

Para pabulaanan ang haka-haka na siya ay may sakit, dumalo siya sa pulong ng League of Municipali­ties of the Philippine­s sa Cebu. “Gusto ko lang iwasto ang isip ni Sison. Masyado na itong naabuso,” sabi ng Pangulo sa harap ng 200 alkalde mula sa Visayas. Pero, bago ang pulong sa Cebu, noong Lunes ng gabi, naglabas ng video sa kanyang Facebook si Special Assistant to the President Christophe­r “Bong” Go, kung saan ipinapakit­a ang Pangulo sa isang mesa kasama ang hindi kinilalang babae sa hindi kinilalang hotel. “Buhay ako, malusog at naghahapun­an kami ng magandang dalaga,” sabi ng Pangulo sa video. Pero, kay Sison, ang itsura ng Pangulo sa video ay taliwas sa sinabi nito. Aniya, nagpapakit­a ang

video na si Duterte ay may lumalang sakit tulad ng inamin niyang Buerger disease o problema sa bato dahil sa madalas niyang paggamit ng pain killer kabilang ang fentanyl.

Parang panahon na naman ni dating Pangulong Marcos. Inilihim sa taumbayan na may sakit ito. Noong napatay si Senador Ninoy Aquino, kailangang publiko siyang magpakita at ihayag ang kanyang damdamin at posisyon sa nangyari. Eh si Ninoy ang isa sa kanyang ipinakulon­g nang ideklara niya ang martial law. Nagtagal ito sa piitan at pinakawala­n niya lang sa kondisyong lalabas ng bansa kung saan dito siya magpapagam­ot. Kaya nang humarap sa telebisyon ang dating Pangulo, hindi niya maigalaw ang kanyang kamay na halatang nilagyan ng dextrose at siya ay nasa wheelchair. Isang maysakit ang

nakita ng mamamayan sa kanyang katauhan.

Kaya, hugot sa kasaysayan ang probisyon ng Saligang Batas na nagsasaad na kapag may grabeng karamdaman ang Pangulo, dapat ipaalam sa publiko ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan. Ang pakiwari ng sambayanan, hindi na si dating Pangulong Marcos ang may kontrol ng gobyerno noon. Naging bahagi ng Saligang Batas ang nasabing probisyon upang malaman ng taumbayan na ang taong pinagkaloo­ban nila ng kanilang kapangyari­han, ay siya pa rin ang may tangan ng renda ng gobyerno. Kasiguruha­n ito na mapapatakb­o niya ang pamahalaan para sa kanilang kapakanan.

Napakahala­ga na isapubliko ni Pangulong Digong ang kalagayan

ng kanyang kalusugan lalo na’t inamin niyang may malubha siyang karamdaman at nais na niyang magbitiw dahil pagod na siya. Baka sa mga kaguluhang nangyayari ngayon ay wala na siyang kontrol. Ang mga opisyal ng gobyerno ay lumalabas na nagkakanya-kanya na at wala silang koordinasy­on sa pagganap nila ng kanilang tungkulin. Lalo na ngayon na walang patumangga ang patayan at pagpasok ng mga bulto-bultong ilegal na droga, na siyang dahilan ng kanilang kamatayan sa kamay ng kanilang kapwa sa ngalan umano ng batas at kaayusan. Kailangang magabayan ang taumbayan sa paggawa ng kaukulang hakbang para sa kanilang proteksyon laban sa sinumang gagamit ng gobyerno na hindi nila binigyan ng kanilang kapangyari­hang mamuno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines