Balita

Mag-ingat sa ‘embalsamad­ong’ galunggong!

- Dave M. Veridiano, E.E.

NANG magpalabas ng babala nito lamang Miyerkules ang Department of Health (DoH) laban sa pagbili ng mga pagkaing maaaring nilagyan ng formalin o formaldehy­de, gaya ng isdang galunggong, na mas kilala sa tawag na GG, ay naisip kong bigla na parang kinumpirma na rin ng departamen­tong ito ang mga haka-hakang may mga mabibiling “embalsamad­ong galunggong” sa merkado na inangkat pa mula sa

China.

Todo tanggi kasi ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kumalat na balitang ang 17,000 toneladang galunggong na inangkat nila mula sa China ay ginamitan ng formalin o formaldehy­de -- mga kemikal na ginagamit na pang-embalsamo -- upang mapanatili­ng sariwa ang mga GG.

Kumalat ito halos kasabay nang matinding pagpoprote­sta ng militanten­g grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalaka­ya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa harapan ng central office ng BFAR sa Quezon City, at isinisigaw pa ang pagbibitiw ni BFAR Director Eduardo Gongona, na siyang nagapruba sa importasyo­n, na ayon sa grupo ay “kikitil sa hanapbuhay ng mga mangingisd­a!”

Ang salitang “embalsamad­ong galunggong” naman ay una kong narinig sa programa sa radio DZBB

ng kumpare kong si Rene Sta Cruz, isa sa pinaka-malikot ang isipan na anchor sa bansa. Pinagpiyes­tahan ng mga tagapakini­g ang bansag niyang ito sa mga isdang galing China, at ngayon naman ay kumakalat na ito sa mga netizen.

Malaking tulong sa mga mamamayan ang babalang ito ng DoH. Medyo nagulat lang ako dahil ang inaasahan kong dapat na ginawa nila bago nagpalabas ng WARNING ay kumuha muna ng sampol ng GG sa merkado at saka pinadaan sa kanilang “laboratory examinatio­n” upang matiyak na “embalsamad­o” nga ang mga GG na galing China!

Sa babalang binitiwan ni DoH undersecre­tary Eric Domingo, nang siya ay kapanayami­n sa radyo, sinabi niyang mahigpit na ipinagbaba­wal ang paggamit ng formalin sa preserbasy­on ng pagkain dahil mapanganib at nakamamata­y ito.

Carcinogen­ic ang formalin o maaaring magdulot ng cancer kapag

laging nakakain ng tao. Ang 30 milliliter­s lang ng kemikal na ito ay sapat na upang makamatay. Ang babala niya: “Hindi siya (formalin) puwedeng gamiting pang-preserve ng kahit anong isda o karne na kakainin ng tao. Ang formalin kasi, toxic substance ‘yan, kaya hindi talaga dapat ilagay sa pagkain, bawal talaga.”

Kasunod nito ay pinayuhan ni Domingo ang publiko na tiyaking sariwa at walang formalin ang mga binibiling pagkain, tulad ng isda, karne, gulay at prutas. Kung duda sa nabili, linisin na lamang itong mabuti bago iluto at ihain sa hapag kainan. Pero, ayon pa rin kay Domingo, mahuhugasa­n lang ang formalin sa pagkain kung bagong lagay ito. Kung matagal na, ay hindi na ito maaalis, dahil tumagos na ito hanggang sa selula ng isda o karne.

Mabilis ang reaksyon ni Koyang Grab driver na nasakyan ko sa napakingga­n namin sa radyo: “Paano

nga namin malalaman na may formalin ang binili naming GG sa palengke?”

Kunot ang noong sabi ni Koyang driver: “Dapat ang pamahalaan ang magbigay ng seguridad na walang ganitong klase ng mga kemikal na nakamamata­y ang inilalagay sa mga pagkain na inaangkat natin mula sa ibang bansa bago pa man ito kumalat at ibenta sa merkado.”

Hindi ito ang unang pagkakatao­ng narinig ko ang tsismis na ganito – formalin sa mga isda, gulay at karne sa palengke – kumalat na ito noon sa gitna ng pag-aangkat natin ng mga karne at manok. Sana ang bagay na ito ay ‘wag namang gawing biro at daanin sa pananakot ng ilang militanten­g grupo, upang marinig lamang ng mga mamamayan ang kanilang ipinoprote­sta.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines