Balita

‘Crazy Rich Asians,’ cultural gem

- Ni DINDO M. BALARES

SA local color, ang theme at plot ng Crazy Rich Asians movie ay maihahalin­tulad sa How My Brother Leon Brought Home A Wife ni Manuel E. Arguilla—sa extremes ng lifestyle nating mga Asyano.

Super rich ang pamilya ni Nick (Henry Golding)

samantalan­g karaniwang pamilya lang sa malayong baryo ang pinanggali­ngan ni Leon. Kaya sa halip na kangga o carabao sled ay eroplano (first class tickets) ang sinakyan ng magkasinta­hang Nick at Rachel (Constance Wu) pauwing Singapore galing New York.

Dadalo si Nick sa kasal ng best friend niya kaya maipapakil­ala na rin niya si Rachel sa wakas sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina (Michelle Yeoh).

Wala sa hinagap ni Rachel na ultra-rich pala ang pamilya ng boyfriend.

Closer to home pa ang kuwento ng Crazy Rich Asians. Sadyang hindi ko binasa ang nobela ni Kevin Kwan para maiwasan ang disappoint­ments na laging nangyayari sa bawat librong nababasa ko na ginagawang pelikula. Nakakatuwa na cultural gem pala ito—traditiona­l at popular culture.

Tinatalaka­y nito ang napakapami­lyar na pakikialam ng pamilya, mula sa lola hanggang sa extended families, sa mapapangas­awa ng scion na susunod na alpha male ng angkan.

Pero may mas malawak pang sakop ang tema, ang Asian pride. Mapapanood din dito ang attitude ng mga Singaporea­n na produkto ng educationa­l system na binuo ni Lee Kuan Yew. Maging ang ilang Singaporea­n journalist­s na nakasama namin sa isang fellowship ay umaamin na tinuruan silang maging proud sa kanilang identity. Romantic-comedy ang Crazy Rich Asians, paiibigin at maraming beses na bigla ka na lang mapapabung­halit ng tawa pero asahan ding paiiyakin kayo nito. Number one ito ngayon sa box office sa America a t ngayong napanood na namin ito ay hindi na kataka-taka kung bakit. May kakaibang appeal ang Crazy Rich Asians na bukod sa mala-Romeo and Juliet na love story ay ipinapakit­a rin ang affluence ng Singapore at ang masalimuot pero nakakatuwa­ng Chinese/Asian culture.

Hindi maikakaila ang malakas na impluwensi­ya ng Mainland China maging sa Pilipinas. Panoorin sa Crazy Rich Asians ang pagkakapar­e-pareho ng tinatakbo ng buhay natin, pampersona­l man o buhaypamil­ya.

Sadyang hindi na naming ikukuwento ang mga detalye ng pelikula para wala kamingh spoiler, pati na ang participat­ion ni Kris Aquino. Kayo na ang humusga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines