Balita

PPP movies, kumita ng mahigit R100M

- JC at Bela Ador V. Saluta

NAGTAPOS nitong Martes ang 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) at masayang ibinahagi ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP) na umabot ng mahigit P100 milyon ang kinita ng walong pelikula na kabilang sa all-Filipino films na ipinalabas sa mga sinehan nitong August 15-21.

“It’s good, but it’s lower than we expected,” pahayag ni FDCP Chairperso­n Liza Diño nang nakapanaya­m ito sa radio program ng DZRH na Showbiz Talk Ganern kamakailan.

“Kumbaga, siyempre may mga targets tayong gusto natin ma-achieve, and I guess a lot of factors that we should be considerin­g, ‘di ba? Kasi ngayon, I’m very, very confident of all our films, ang gaganda ng reviews, well promoted naman siya, ang dami naming support na nakuha this year,” dagdag ni Ms Liza.

Naniniwala siya na isa sa mga dahilan ay ang mataas na presyo ng ticket sa sinehan.

“Ang isa sa na-overlook namin siguro ay price. Ang presyo ng ticket sa sinehan, baka nakaapekto ‘yun,” pag-amin ni Ms Liza.

Sa kabila nito, tiniyak ng FDCP chief na mayroon pa ring PPP sa susunod na taon.

“I confidentl­y say that there will be a PPP 2019. Nakiisa naman ang mga sinehan at ang ating mga stakeholde­rs na at the end of the day, this is still a very good platform to our Filipino audience to watch all these beautiful films, ang mga pelikula natin na kakaiba.

“Tuloy lang natin, and I hope na sana ang mga audience natin ang mga manonood. Kayo po ang susi para talagang maging successful ang mga ginagawa nating ganito. Tuloy lang po nating i-encourage na manood ng pelikulang Pilipino,” saad ni Ms Liza.

Pagkatapos ng pangalawan­g PPP, ang isa raw sa napagtanto ng FDCP ay ang adjustment sa presyo ng ticket sa sinehan, dahil mga estudyante raw ang karamihang manonood.

“Ang PPP talaga pang-estudyante, millennial­s, eh, from 15 to 24 (ang edad) ang pinakamala­king audience niya. So, the price is really a factor. We have to make sure that hindi lang isang pelikula ang panoorin nila kundi lahat na pelikula sa PPP. And we really can do that kung lahat na presyo ay puwede sa kanila.

“We really have to understand and get data kung sino ‘yung audience na nanonood ng PPP. Para mastrategi­ze natin, from pricing to the kind of films.

“Kailangan meron din tayong pelikulang pambata kasi kulang tayo ng ano… ‘pag weekend siyempre pami-pamilya ang pumupunta sa sinehan. Wala din tayong pang-kids na film.

“Kulang din tayo ng horror this year, sana magkaroon tayo ng iba’t ibang genre na ipalabas,” sabi pa ni Ms Liza.

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainm­ent Portal) kay Liza ng figures ng kinita ng walong pelikula, pero kailangan pa raw niyang humingi ng permiso sa mga producers para ibigay ang eksaktong figures.

Gayunman, kinumpirma ni Ms Liza na nanguna sa takilya ang The Day After Valentine’s, na sinundan ng Unli Life. Pumangatlo ang Ang Babaeng Allergic sa WiFi, kasunod ang We Will Not Die Tonight, habang naglaban daw sa panglimang puwesto ang Bakwit Boys at Signal Rock.

Pampito ang Pinay Beauty,

kasunod ang Madilim ang Gabi.

Bida sa top-grosser ang The Day After Valentine’s ang baliktamba­lan nina Bela Padilla at JC Santos. Matatandaa­ng noong nakaraang taon ay ang unang tambalan ng dalawa, ang 100 Tula Para Kay Stella, ang nanguna rin sa takilya sa PPP.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines