Balita

Janine ‘di nagpadobol sa eksenang ala-‘MI’

- Ni NORA V. CALDERON

MAY takot sa heights si Janine Gutierrez, pero hindi siya nagdalawan­g-isip na huwag magpa-double sa isang eksena sa Victor Magtanggol na kinailanga­n niyang maglambiti­n mula sa second floor ng isang lumang building.

“Nang malaman ko po ang eksenang kukunan—hinahabol ako ng isang dambuhalan­g creature at para makaiwas sa kanya ay tatalon ako mula sa second floor— pumayag po akong gawin iyon at hindi ako nagpa-double,” kuwento ni Janine.

“Binigyan lang ako ng instructio­n ni Direk Dominic Zapata at tinuruan po ako ng stuntman na umalalay sa akin. Kasi ililigtas naman ako ni Hammerman (Alden Richards) at sandali lang iyong nakabitin ako.

“Inalis ko ang takot ko dahil alam ko namang hindi ako pababayaan ng production, kaya thankful ako sa kanila pagkatapos makunan ang eksena.

“Makapigil-hininga po ang eksenang iyon, pero inisip ko na lamang na ganoon din ang isang eksena sa Hollywood movie na Mission Impossible.

“Ewan ko kung may mga susunod pang buwis-buhay na eksena akong gagawin. Pero after this, ready na ako palagi. I love my work at naiiba ito na may action at hindi iyong usual teleserye,” mahabang kuwento ni Janine.

Sa story, si Janine ay si Gwen, isang TV reporter na nagko-cover ng mga balita at madalas ay nae-encounter niya si Hammerman, at kilala raw niya ang martilyo o ang Mjoliner na hawak nito. Gayunman, parang hindi naman siya makapaniwa­la na si Victor Magtanggol iyon.

Isa pa, laging disappoint­ed si Gwen kay Victor dahil kapag nasa gitna ng panganib ang dalaga at kailangan niya ang tulong nito ay laging nawawala si Victor, at hinala niya ay sadyang nagtatago.

Pero very soon ay malalaman na ni Gwen na si Hammerman at si Victor ay iisa, kaya tutok lang sa Victor Magtanggol, na napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Janine
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines