Balita

Busy September para kay Kyline

- Nora V. Calderon

PUNO ang schedule ni Kyline Alcantara ngayon, lalo na pagpasok ng September. Sa September 3 ay 16th birthday ni Kyline pero sa September 8 magaganap ang kanyang birthday concert sa SM Skydome titled Kyline Take Flight.

Kasabay ng concert ang launch ng kanyang single na Fake Love under her first self-titled album from GMA Records. May six songs at minus one versions of the songs sa Kyline. Pero ang album ay sa September 18 pa irerelease via iTunes, Spotify and over 180 digital stores worldwide.

Sa September 1 magsisimul­a ang pre-selling ng Fake Love sa iTunes, habang sa September 8 naman ang start ng pre-selling ng Kyline album.

Nagpapasal­amat naman si Kyline sa suporta ng kanyang fans na tinawag niyang Sunflowers:

“Sobrang happy and overwhelmi­ng at the same time kasi isang pangarap lang ito dati. Ipinagdasa­l ko talaga ito kay God. Para ito sa mga Sunflowers ko, kasi sila naman talaga ang dahilan kung bakit unti-unti kong nakakamit ang mga pangarap ko. This is a humble way of showing gratitude sa mga fans sa lahat ng suporta nila

sa akin,” sabi ni Kyline.

Magiging special guests ni Kyline sa concert ang fellow Kapuso stars niyang sina Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, Migo Adecer, James Wright at Kristoffer Martin.

Ang concert ay produced ng GMA Records and CCC Production­s, stage director si Marvin Caldito, habang musical director si Soc Mina.

Tickets are on sale via SMTickets. com and priced at P 2,250 for Platinum (with free album and group photo with Kyline), at P 1,360 for Gold.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines