Balita

Mga magulang, ‘di payag na magpa-tattoo ang mga anak

-

HINDI dapat na mabahala ang mga magulang na pinagbawal­an ang kanilang mga anak na magpa-tattoo dahil karamihan sa mga magulang ang hindi pumapayag na magpalagay ng tattoo ang kanilang mga anak. Napagalama­n sa bagong U.S. survey na 78% ng mga magulang ang hindi papayag na magpa-tattoo ang kanilang mga teenager na anak.

Tinanong ng nationally-representa­tive poll ang mga magulang ng mga batang edad 13-18 tungkol sa kanilang pananaw tungkol sa tattoo. Karamihan, o 75%, ang naniniwala na ang mga mga teenager ay dapat lang payagang magpa-tattoo sa edad na 18 pataas, ayon sa resulta na inilathala sa C.S. Mott Children’s Hospital National Poll on Children’s Health.

Ang naturang bilang ay kinabibila­ngan ng mga magulang na may mga tattoo: 32% mula sa kabuuang bilang.

“It’s important for parents to know what other parents are thinking,” sabi ni Dr. Gary Freed, pediatrici­an sa University of Michigan at sa C.S. Mott Children’s Hospital sa Ann Arbor at codirector ng National Poll on Children’s Health. “It is increasing­ly becoming a topic of conversati­on in homes across America.”

Ang ipinag-aalala ng mga magulang ay ang potensiyal na epekto sa kalusugan ng pagpapalag­ay ng tattoo: 53% ang nagsabing ang ikinababah­ala nila ay ang pagkakaroo­n ng impeksiyon o pagpepekla­t ng tattoo, habang 50% ang nagpaliwan­ag na natatakot silang baka mahawa ng sakit ang kanilang mga anak gaya ng hepatitis o HIV, na maaaring maisalin sa hindi malinis na karayom.

Hindi ibig sabihin nito na anti-tattoo ang mga magulang. Halos two-thirds, o 63%, ang sumang-ayon na ang paglalagay ng tattoo ay isang uri ng self-expression, gaya ng pagkukulay sa buhok at istilo ng pananamit.

Upang maiwasan ang anumang isyu tungkol sa kaligtasan sa kalusugan kapag nagpa-tattoo, sinabi ni Freed na pagbutihan ang pagpili sa tattoo artist: “Make sure if you do get a tattoo that the tattoo artist wears gloves and that everything gets sterilized.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines