Balita

Nietes, inismol ni Palicte

- Gilbert Espeña

ISINANTABI ni WBO No. 2 at NABF super titlist Aston Palicte ang mahabang karanasan sa boksing ni three-division world champion at WBO No. 1 Donnie Nietes at nangakong patutulugi­n niya ang kababayan sa Negros Occidental sa kanilang sagupaan para sa bakanteng WBO super flyweight belt sa Setyembre 8 sa “Superfly 3” card sa The Forum sa Inglewood, California sa United States.

Kumpiyansa ang 27-anyos na si Palicte na hindi makakaya ni Nietes ang kanyang lakas sa pakikipagb­asagan ng mukha lalo’t lamang siya sa haba ng bitis at mas bata sa 36-anyos nang si Nietes.

Para sa 27-anyos na si Palicte, dapat nang magretiro sa boksing ang kababayan niya na si Nietes, ang pinakamata­gal naging world boxing champion ng Pilipinas.

“Hindi makakaya ni Nietes ang lakas ko,” pagyayaban­g ni Palicte sa Philboxing. com. “Nietes is moving up in weight and started out as a 105-pounder. It’s his first time in the super flyweight division and I’m sure his body isn’t used to bulking up so fast.”

Pinili ng WBO si Nietes na No. 1 sa WBO rankings na harapin si Palicte na No 2 ranked para paglabanan ang WBO super flyweight title na binakante ng dating kampeong si

Naoya Inoue ng Japan.

May rekord si Palicte na 24 panalo, 2 talo na may 20 pagwawagi sa knockouts kumpara sa 41-1-4 ni Nietes na may 23 tagumpay sa knockouts.

Huling nagwagi si Palicte sa pagpapatul­og sa 5th round kay dating WBA interim light flyweight champion Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico samantalan­g pinabagsak ni Nietes si two-division world champion Juan Carlos Reveco via 7thround knockout para mapanatili ang IBF flyweight title nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines