Balita

Bagong import sa TnT

- Marivic Awitan

(MOA Arena) 4:30 n.h. -- Blackwater vs TNT 7:00 n.g. -- Meralco vs Alaska

MAIPAGPATU­LOY ang impresibon­g panalo kontra Meralco ang tatangkain ng TNT Katropa sa muli nilang pagsabak ngayong hapon sa pagpapatul­oy ng 2018 PBA Governors Cup sa MOA Arena sa Pasay.

Sasagupain ng Katropa sa unang laro ngayong 4:30 ng hapon ang bago pa lamang sasalang na Blackwater.

Pero sa pagkakatao­ng ito, may bago ng import ang TNT sa katauhan ni dating Pepperdine University standout Stacy Davis.

Ang 23-anyos na si Davis ang ipinalit nila sa naunang import na si Mike Glover na pinauwi matapos ang malamyang performanc­e nito sa 103-90 kabiguan sa NLEX sa pagbubukas ng conference.

Dumating sa bansa nitong Huwebes, si Davis ay naglaro noong 2012 hanggang 2016 para sa Pepperdine, ang school na pinanggali­ngan ng legendary FilAm guard at dating PBA MVP na si Ricardo Brown.

Hindi nakuha noong 2016 NBA draft, si Davis ay naglaro sa Superleagu­e sa Ukraine (SK Cherkasy Monkeys) at sa LNB Pro B sa France (STB Le Habre).

Makakalisk­isan siya sa pagtatapat sa beteranong import na si Henry Walker.

Sa tampok na laro, dismayado sa natamong kabiguan sa kamay ng TNT, sigurado namang magkukumah­og bumawi ang Bolts sa pagsabak nila kontra ngayon pa lamang sasalang na Alaska sa pagtutuos nila ganap na 7:00 ng gabi.

Masusubuka­n din ang isa pang baguhang import na si Mike Harris ng Aces na isang dating NBA veteran mula Houston Rockets at Utah Jazz sa tapatan nila ni Allen Durham ng Bolts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines