Balita

Paalam, Joey Mente

- Ni BRIAN YALUNG MENTE

PUMANAW nitong Miyerkules bunsod ng karamdaman si dating basketball profession­al player Joey Mente sa edad na 42.

Nakilala ang 5-foot-9 guard sa kanyang agresibong laro at malaJordan na high-flying dunks. Una siyang naglaro sa Iloilo Megavoltz sa nabuwag na Metropolit­an Basketball Associatio­n (MBA) bago lumipat sa PBA.

Napili siya ng San Miguel Beer bilang 10th overall pick noong 2001 PBA Draft.

Sa PBA, higit siyang nakilala nang makamit ang Slam Sunk title sa noong 2001 All-Star Game. Miyembro siya ng Beermen na nagkampion noong 2001 All Filipino at 2005 Fiesta Cup .

Huling naglaro si Mente sa Welcoat noong 2006-08 at naging coach ng junior high school team ng Lyceum Dasmarinas.

Sa panayam ng Manila Bulletin Sports Online, sinabi ng pamangkin niyang si Ms. Ivy Catucod ang dahilan nang maagang pagpanaw ni Mente.

“Cancer of the lungs tapos nag metastasiz­e siya sa brain. So may mga brain tumors na din siya,” aniya.

Nagkaisa ang mga kaibigan at dating mga nakasam ni Mente sa basketball para makalikom ng sapat na halaga para maipantust­os sa kanyang gamutan.

“Gustong pasalamata­n ng family namin sila coach Olsen Racela na talagang nag-initiate to talk to the PBA legends and San Miguel Corporatio­n to help out. Thank you din sa MBA, Iloilo Megavoltz and mga friends niya from San Miguel and the basketball industry,” pahayag ni Ivy.

Naiwan ni Mente ang dalawang anak na sina Ina (16) at Joyce (11).

Nakahimlay ang kanyang mga labi sa kanilang tahanan sa Kapul, Samar.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines