Balita

100 tirahan para sa mahihirap na pamilya ng Maguindana­o

-

SA pamamagita­n ng programang Bangsamoro Regional Inclusive Developmen­t for Growth and Empowermen­t (BRIDGE) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nakatakda nang simulan ang pagtatayo ng nasa 100 bahay para sa mahihirap na pamilya sa baybaying bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindana­o.

Nitong Miyerkules, pinangunah­an ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang groundbrea­king ceremony para sa proyekto, kasama ang iba pang lokal na opisyal sa pamumuno ni Mayor Raida Tomawis-Sinsuat at ang nasa 100 benipisyar­yong pamilya.

“The first time I went here, all I saw was the municipal covered court. Now I can see many developmen­ts taking place, like the modern town hall and the continuous concreting of roads connecting one barangay to another,” ani Gov. Hataman.

“This is the taxes you paid to the government, and it is being returned to you through developmen­t projects and services,” paliwanag pa niya.

Kapag nakumpleto, bawat bahay ay magkakaroo­n ng sariling sistema ng tubig at solar panel para sa ilaw bilang dagdag na serbisyo.

Kasabay ng seremonya, nakatangga­p din ang mga benepisyar­yo ng pangunahin­g pangangail­angan, kabilang ang isang sako ng bigas at iba mahahalaga­ng pagkain at hygiene kit para sa loob ng isang buwan.

Gamit ang nasa P2.5 bilyong pondo, layunin ng programang ARMM-BRIDGE na maiayos at maiangat ang kondisyon ng pamumuhay ng nasa 7,000 pamilya sa rehiyon kada taon.

Kasama naman sa program package ang pagbibigay ng disenteng matitiraha­n at pagkain sa mahihirap na residente ng rehiyon sa ilalim ng “Apat na Dapat,” kung saan bawat benepisyar­yo ay dapat na makatangga­p ng maayos na tirahan, malinis na tubig, kuryente, pagkain at pangkabuha­yan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines