Balita

Ang doble dekada ng URS Binangonan campus

- Clemen Bautista

SINIMULANG ipagdiwang nitong Agpsto 20, 2018 ang Doble Dekada o ang ika-20 taon ng University Rizal System (URS) Binagonan Campus. Ayon kay G.

Hermy Estrabo, campus director ng URS Binangonan, ang tema ng paksa ng selebrsyon ng ika-20 Taon ng URS Binangonan­n ay “Fortifying Educationa­l Pursuit and Human Values in Achieving Sustainabl­e Innovarion”.

Ang pagdiriwan­g ng Doble Dekada ng URS Binangonan Campus ay hudyat ng isang programa sa Casimiro Ynares Sr. Gymnasium sa Binangonan, Rizal. Tampok na panauhing tagapagsal­ita si dating Rizal Congressma­n Dr. Bibit Duavit na author ng Republic Act 9157, na naging daan sa pagkakaroo­n ng University­y of Rizal System (URS) sa lalawigam ng Rizal. Sa ngayon, sampu na ang campus ng URS sa

Rizal. Sa bahagi ng mensahe ni Dr. Bibit Duavit, nanawagan siya na upang patuloy na matupad ang mission-vision ng campus, kailangang magkaroon ng mga innovative strategies ang mga namumuno at nagtuturo sa naturang campus.

Sa panahon ng panunungku­lan nina dating Rizal Congressma­n Dr. Bibit Duavit at Rizal Governor Ito Ynares, Jr., ay nagkaisa sila na bigyan ng prioridad ang edukasyon at ang kalusugan sa lalawigan ng Rizal. Nagtayo ng mga school building sa iba’t ibang bayan sa Rizal, gayundin din sa iba’t ibang barangay na nasa bundok at nasa Talim

Island. Tuwing school opening o simula ng pasukan, hindi naging problema ang mga silid-aralan sa mga paaralan. Nagtayo rin ng mga ospital sa Rizal na tinawag na Rizal Provincial Hospital System.

Tampok na bahagi ng unang araw ng pagdiriwan­g ng Doble Dekada ng URS Binangonan campus ang pagkakaloo­b ng Plaque of Recognitio­n o pagkilala sa itinuturin­g na apat na Pillar o Haligi ng URS Binangonan na sina Dr. Bibit Duavit, dating Rizal Gob Ito Ynares, Jr., Dr. Heracleo Lagrada at Binangonan Mayor Engr. Cesar Ynares.

Sa darating na Agosto 28, 2108, bahagi rin dito ang sociocultu­ral

presentati­on ng mga mag-aaral sa campus. Tampok sa Foundation Day ang isang Misa ng Pasasalama­t. Kasunod nito ang forum o talakayan tungkol sa TRAIN ( Tax Reform Accelerati­on and Inclusion) Law. Gagawin ang forum sa multi-purpose hall ng URS Binangonan. Bahagi rin ng psagdiriwa­ng ang exhibition game sa basketball at volleyball ng mga faculty at staff.

Ang mga kurso na pinagaaral­an sa URS Binangonan campus ay ang BS (Bachelor of Science) in Informatio­n Technology, BS Accountanc­y, BS Office Administra­tion, BS Human Resource at BS Informatio­n System.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines