Balita

‘DO-OR-DIE’!

Korean shooting, tinik na bubunutin ng Philippine basketball team

-

JAKARTA – Kung may nais ipahiwatig ang South Korea sa Team Philippine­s – ang dominanten­g 117-77 panalo sa Thailand – klaro na kailangan ng Pinoy ang tripleng depensa para makausad sa semifinals ng 18th Asian Games men’s basketball tournament.

Ipinakita ng Koreans sa Philippine scouts kung anong klaseng opensa ang kailangang nilang pigilan matapos maisalpak ng defending champion ang 15 three-pointers tungo sa 40-puntos na blowout sa Thai side.

Habang nagmamando si naturalize­d center Ricardo Ratliffe sa depensa at inside game, nagsagawa ng shooting clinics ang Koreans para makumpleto ang ‘sweep’ sa Group A eliminatio­ns.

Nanguna si Jeon Junbeom sa naiskor na 20 puntos, tampok ang 5-of-8 sa rainbow area, habang kumana ang rookie na si Heo Ung ng 12 puntos.

Sa kabuuan, tumipa ang Koreans ng 15-of-32 sa three-point territory para sa mataas na 47 percent.

“The best thing about Korea is they’ve been so patient running their plays. They rely on their ball movement and would wait for an opportunit­y to break down the defense and attack it,” pahayag ni Philippine coach Yeng Guiao.

Bukod kay Ratliffe, nakapaglar­o bilang import sa PBA, markado ang beteranano­ng sina Heo Ilyoung at Lee Junghyun, nalalabing miyembro ng koponan na nagkampeon dito may apat na taon na ang nakalilipa­s.

Kumpiyansa si Guiao, na malalagpas­an ng Nationals ang Koreans, ang tinik sa lalamunan ng Pinoy sa nakalipas na mga Asian Games. Kaya’t puspusan ang paghahanda ng Nationals.

“Korea has a different system. Hindi sila nagrirely sa malalaki nila,” aniya.

“They rely on ball movement. We have to prepare for their quickness.”

Haharapin ng Team Philippine­s ang Koreans sa quarterfin­als sa LunesAng panalo sa Koreans ay magbibigay sa Pinoy ng pagkakatao­n sa medal round.

“Korea is more of a team game. They move the ball around. If you lose your focus, if you lose your patience, that’s the time you break down on defense. I guess those are the things that we have to plan against Korea,” ayon kay Guiao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines