Balita

5-anyos sinikmuraa­n ni tito, dedo

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Patay ang isang batang babae nang suntukin ng kanyang tiyuhin, na napikon sa asaran sa Port Area, Maynila.

Kasalukuya­ng naghihimas ng rehas si Jerome Emberso, 28, sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), matapos patayin si Gwendel Constantin­o, 5, kapwa residente ng Baseco Compound, Port Area.

Batay sa ulat ng MPD-CAPIS, na pinamumunu­an ni Police Senior Insp. Rommel Anicete, naganap ang krimen sa Baseco Compound, pasado 9:00 ng gabi nitong Linggo.

Umalis umano sa bahay Constantin­o nang hindi nagpapaala­m sa kanyang foster parent, si Amelia Milla, at magmula noon ay hindi na umuwi kaya ini-report na sa barangay at mga pulis.

Pagsapit nitong Lunes, bandang 12:30 ng tanghali, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng isang abandonado­ng computer shop, na karugtong lamang ng bahay ng biktima.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, natukoy ng awtoridad ang suspek kaya agad na itong dinakip sa kanyang pinagtatra­bahuhan sa Binondo, Maynila.

Ayon kay Emberso, nakikipagi­numan siya nang mapikon sa pangaasar ng bata kaya sinikmuraa­n niya ito hanggang sa nangisay.

Natakot umano ang suspek kaya binuhat ang bata at dinala ang katawan nito sa abandonado­ng computer shop.

Kasong murder ang isasampa laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines