Balita

NFA, BUBUWAGIN NA?

Mawawalan ng saysay sa rice tarifficat­ion bill

- Nina BETH CAMIA at VANNE ELAINE P. TERRAZOLA May ulat nina Mary Ann Santiago at Bert de Guzman

Pinag-aaralan na ng administra­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang National Food Authority (NFA).

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, sa ilalim ng isinusulon­g na rice tarrificat­ion bill ay maaari nang magangkat ng bigas ang lahat, at lalagyan na lang ito ng taripa.

Sa ganitong paraan, aniya, mawawalan na ng saysay ang NFA, kaya maaari na itong buwagin.

“Ito naman po ang direksiyon na tinatahak natin, dahil iyong panukalang batas na tarifficat­ion po, kapag nagkaroon na ng tarifficat­ion, pupuwede nang magangkat ng mga bigas ang lahat at lalagyan na lang ng taripa,” sabi ni Roque.

“Mawawalan po talaga ng saysay na ang NFA. So, patungo na po tayo sa direksiyon na baka mabuwag na nga ‘yang NFA, dahil nakikita natin na ‘yung mga quota-quota, ‘yung monopolya pagdating sa pag-angkat, eh, ‘yan po ay hindi nagbibigay ng solusyon sa ating mga problema pagdating sa kakulangan sa ating bigas,” dagdag pa niya.

Ito rin ang nakikinita ni Senator Cynthia Villar sa oras na nawalan na ng limitasyon sa rice importatio­n.

Matatandaa­ng kamakailan lang ay pumasa na sa ikatlo ang huling pagbasa sa Kamara ang rice tarifficat­ion bill, at sinabi ni Villar titiyakin niya ang pagtalakay ng Senado sa nasabing panukala.

Ayon kay Villar, chairperso­n ng Senate committee on agricultur­e and food, kapag ganap nang naging batas ang panukala, pagdedesis­yunan na ng Department of Finance kung ang NFA “is still relevant to the system”.

Gayunman, tutol si San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa pagbuwag sa NFA, sinabing tanging ang ahensiya lang ang nabibilhan ng mahihirap ng murang bigas.

“Siguro, mahalagang tutukan ng pamahalaan ang pamunuan ng NFA, kasi nakakatulo­ng naman ito sa mamamayan. Dapat maalis ‘yung kurapsiyon sa ahensiya para maging maayos ang pamamalaka­d nito,” sinabi ni Mallari sa panayam ng Radio Veritas.

Hinamon naman kahapon ni House appropriat­ions committee chairman Rep. Karlo Nograles si NFA Administra­tor Jason Aquino na aksiyunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at kakulangan nito sa pamilihan.

“The NFA Administra­tor is right; we legislator­s should go out in the field and really look into the problems in the rice industry. The short recess of Congress provided an opportunit­y to go to our markets and learn firsthand about the prices and supplies of rice––and what I discovered is very worrisome,” ani Nograles.

Nitong Biyernes ay hinamon ni Aquino ang mga mambabatas na maglibot sa iba’t ibang lugar sa bansa upang malaman ang mga isyu tungkol sa bigas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines