Balita

Guesting ni Sarah, harang kay Mommy Divine

- Reggee Bonoan

NASAYANG ang oras, o masasabing nagsayang ng oras ang Gandang Gabi Vice production team sa taping nito ng Sarah Geronimo episode kamakailan dahil hindi naman umere ang nasabing interview ni Vice Ganda sa singer-actress.

Isinulat ng kaibigang Ogie Diaz sa kanyang Facebook page na hindi inere ang guesting ni Sarah sa GGV dahil marami raw ipinaputol na eksena si Mommy Divine Geronimo tungkol sa mga tanong ni Vice at sagot dito ni Sarah.

Ayon sa post ng kaibigang Ogie: “According to my source, kung paniniwala­an ko, eh, nag-react si Mommy Divine sa mga sagot ni Sarah sa mga intriguing questions ni Vice Ganda. Tulad sa ‘Guilty Or Not Guilty?’ segment ng GGV. Sa tanong ni Vice na, ‘nakapanood ka na ba ng porn?’, pilyang ngiti raw ang naging reaction ni Sarah, tapos sinagot niya ito ng, ‘yes, pero ‘yung sa anime lang’.

“Pati daw ‘yung kung was there a time na naexperien­ce niyang matulog na may lalaking katabi at ilan pang naughty questions na pina-trim nang pina-trim ni Mommy Divine hanggang sa parang wala nang natitirang laman ‘yung episode, kaya minabuti na lang na ‘wag na itong iere.

“At kung kilala ko si Vice, feeling ko, ‘no more next time’ na siya sa mga ganitong eksena para makaiwas na din sa trouble at sa gastos. Paano kaya ‘yon, no? ‘Di ipinalabas, so ano ‘yun? Pinaabono sa Viva ang cost of production? Hintay tayo ng sagot mula sa mga inampalan. Baka mali din ang dinig ko.”

Base naman sa nakausap naming taga-ABSCBN, ang Viva raw mismo ang nakiusap na i-guest si Sarah sa GGV para sa promo ng Miss Granny, na tinanggiha­n na.

Tsika pa ng aming source: “Nakiusap ang Viva sabi namin, ‘wag na baka masayang lang kasi maraming bawal itanong kay Sarah, e, knowing Vice, hindi naman wholesome ang mga tanong nun. Saka hindi mo siya puwedeng diktahan kung ano ang puwede at hindi puwedeng itanong kasi show niya ‘yun. Siya (Vice) ang may say doon. Eh, makulit pa rin, eh, ‘di pinagbigya­n. Tapos ang ending ang daming bawal, eh, wala naman talaga natira na sa interview.”

Hindi umere ang guesting ni Sarah.

“Si Mommy Divine naman din mismo ang nagsabing huwag nang iere. Feeling ko si Sarah din ayaw nang ipaere kasi nga ‘di ba wholesome image siya? Eh, hindi naman wholesome ‘yung mga tinanong,” say pa ng source.

At dahil sa nangyaring ito ay malamang totoo nga ang sinabi ng kaibigang Ogie na “no more next time” kay Vice si Sarah. Base rin sa pagkakakil­ala namin sa TV host-actor-singer, madali siyang madala sa mga bagay na may kinalaman sa show.

Samantala, may pananaguta­n ba ang Viva sa nasayang na oras ng taping kay Sarah na hindi naman umere?

Ang pahayag naman sa amin ng taga-ABSCBN: “No idea, kasi higher management na ang kausap nila (Viva/Sarah), basta ang sabi lang hindi na eere ang episode ni Sarah.”

Mabuti na lang at may bangko ang Gandang

Gabi Vice kaya may naisalpak kaagad sa mahabang oras na nasayang.

Nakahihina­yang naman na hindi umere si Sarah. Sinayang niya ang chance dahil maraming may gustong mag-guest sa GGV, na talagang pinapanood ng lahat. Pati na sa ibang bansa ay bukambibig ang programa ni Vice, na nagseceleb­rate ng seven years this 2018.

Teka, ilang taon na ba si Sarah? Bakit hanggang ngayon ay marami pa ring bawal sa kanya?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines