Balita

Pantawid Pasada cards, ipinamudmo­d

- Alexandria Dennise San Juan

Sinimulan na kahapon ng Department of Transporta­tion (DOTr), sa pamamagita­n ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng Pantawid Pasada fuel cards sa buong bansa.

Sa paglulunsa­d ng synchroniz­ed regional fuel cards distributi­on kahapon, inumpisaha­n ng ahensiya ang pamamahagi ng cash cards sa mga benepisyar­yo ng Pantawid Pasada Program sa 15 regional office ng LTFRB sa buong bansa.

Una nang sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na nasa 179,852 ang kabuuang bilang ng mga benepisyar­yo ng fuel subsidy program ng pamahalaan sa central office at sa mga regional office sa bansa.

Sa nasabing bilang, 1,192 cash card na ang unang ipinamahag­i ng LTFRB sa mga lehitimong jeepney franchise holders-beneficiar­ies sa Metro Manila simula noong Hulyo.

Target ng LTFRB na maipamahag­i ang natitirang cash cards hanggang bago magtapos ang Setyembre.

Upang makuha ang fuel cards, kailangang magprisint­a ang benepisyar­yo ng orihinal at photocopy ng government­issued ID, isang ID picture, at katunayan ng proof of franchise ng operator, kabilang ang Certificat­e of Public Convenienc­e, o franchise verificati­on.

Nasa LTFRB website rin ang opisyal na listahan ng mga benepisyar­yo ng subsidy program.

Ang card ay may P5,000 fuel subsidy simula Hulyo hanggang Disyembre, bilang ayuda sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na epekton ng bagong tax reform law.

Samantala, kinumpirma naman ni Nida Quibic, hepe ng LTFRB Informatio­n Systems Management Division, na 22 benepisyar­yo ang napaulat na nilabag ang paggamit sa cash card matapos i-withdraw ang pera at ibili ng ibang produkto.

Ang nasabing bilang ng mga lumabag ay blackliste­d na sa programa at kanselado na rin ang fuel cards.

 ??  ?? AYUDA SA GASOLINA! Ipinakikit­a kahapon ng empleyado ng Landbank, sa loob ng tanggapan ng Land Transporta­tion Office sa Quezon City, ang Pantawid Pasada Program cash card na ipinamamah­agi sa mga jeepney driver bilang fuel subsidy. ALVIN KASIBAN
AYUDA SA GASOLINA! Ipinakikit­a kahapon ng empleyado ng Landbank, sa loob ng tanggapan ng Land Transporta­tion Office sa Quezon City, ang Pantawid Pasada Program cash card na ipinamamah­agi sa mga jeepney driver bilang fuel subsidy. ALVIN KASIBAN
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines