Balita

Palasyo sa ICC communicat­ion vs Digong: Wala lang ‘yan

- Genalyn Kabiling

Positibo ang Malacañang na walang patutunguh­an ang panibagong komunikasy­on na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Internatio­nal Criminal Court (ICC) kaugnay sa diumano’y crimes against humanity.

Ipinunto ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na maaari lamang imbestigah­an at parusahan ng internatio­nal court ang internatio­nal crimes kung hindi ito tatalakayi­n ng mga lokal na korte.

“My fearless prediction is it will not prosper dahil nga doon sa konsepto ng complement­arity,” sinabi ni Roque sa press briefing sa Palasyo.

“Hindi dapat gumalaw ang ICC unless local courts have proven to be unable or unwilling to exercise jurisdicti­on of these complaints,” idinugtong niya.

Iniulat na inakusahan ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK ang Pangulo na nakagawa ng mga krimen laban sa sangkatauh­an sa komunikasy­on na inihain sa ICC. Hiniling din ng complainan­ts sa ICC na mag-isyu ng arrest warrant laban kay Duterte at pagkalooba­n ng proteksiyo­n at suporta ang saksi habang dinidinig ang kaso.

Gayunman, pinanindig­an ni Roque na ang bagong komunikasy­on ay hindi pa maituturin­g na asunto dahil hindi pa ito inaaksiyun­an ng ICC. Idinagdag niya na ang mga ganitong communicat­ion na inihain laban sa Pangulo “does not mean anything.”

“That’s not a complaint, that’s a communicat­ion because it is still to be acted upon by the ICC. The procedure is different. Anyone can file a communicat­ion. Even the Pope has a communicat­ion filed against him,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines