Balita

Garin, Duque pinasasago­t sa torture, graft

- Jeffrey G. Damicog

Nakatakdan­g maghain sina Health Secretary Francisco Duque III, dating Health Secretary Janette Garin at kanilang co-respondent­s ng kanikanila­ng rejoinders sa Department of Justice (DoJ) na nagpapasin­ungaling sa mga alegasyon na dapat silang managot sa pagkamatay ng siyam na batang tumanggap ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Itinakda ni Assistant State Prosecutor Maria Emilia Victorio, namumuno sa panel na nagsasagaw­a ng preliminar­y investigat­ion ng mga reklamo laban sa kanila, ang schedule ng paghahain ng rejoinders ngayong Huwebes.

Iniimbesti­gahan ng panel ang criminal complaints na magkahiwal­ay na inihain ng mga pamilya ng siyam na batang namatay, na sina Aejay Bautista, Anjielica Pestillos, Lenard Baldonado, Zandro Colite, Abbie Hedia, Jansyn Art Bataa, Mark Axel Ebonia, Reijazztin­e Justin Alimagno, at Alexander Jaime.

Ang paghahain ng rejoinder ay indikasyon na malapit nang matapos ang preliminar­y investigat­ion.

Sa mga reklamo, inakusahan ng mga pamilya ang respondent­s ng reckless imprudence resulting to homicide sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code (RPC); torture resulting to the death of a person and the torture of a child sa ilalim ng Republic Act 9745, o Act Penalizing Torture and Other Cruel, Inhuman and Degrading Treatment; obstructio­n of justice sa ilalim ng Section 1(b) of Presidenti­al Decree 1829; at paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019, ang AntiGraft and Corrupt Practices Act.

Si Garin ay pinangalan­an sa lahat ng reklamo, habang si Duque ay respondent sa dalawang complaints.

Kabilang din sa mga inakusahan ang ilang opisyal ng DoH, Food and Drug Administra­tion (FDA) at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), executives of Dengavaxia manufactur­er Sanofi Pasteur Inc. at distributo­r na Zuellig Pharma Corporatio­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines