Balita

‘Gun-runner’ todas sa buy-bust

- Bella Gamotea

Patay ang isa sa dalawa umanong gun-runner sa buy-bust operation sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot si Angelo Garcia y Tuna, alyas Bunso, 21, ng No. 117 Tales Compound, Parañaque City.

Patuloy namang inaalam ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng kanyang kasabwat, na tumakas sakay sa motorsiklo­ng walang plaka.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nauwi sa engkuwentr­o ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Criminal Investigat­ion Detection GroupNatio­nal Capital Region (CIDG-NCR), sa pangunguna ni Chief Insp. Ryan Jay Orapa, sa kahabaan ng Don Pedro Reyes Avenue, Victoria homes, Barangay Tunasan, sa Muntinlupa City, bandang 1:30 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigas­yon, nagsilbing poseur-buyer si PO2 Kristauffe­r Villarosa habang immediate back-up niya si PO3 Bryan Castillo.

Dumating sa lugar ang dalawang suspek, na magkaangka­s sa motorsiklo, at nagkasundo sa transaksiy­on sa baril.

Sa gitna ng transaksiy­on, nahalata umano ni Garcia na parak ang kanilang kausap kaya mabilis umano itong bumunot ng baril at pinaputuka­n sina PO2 Villarosa at PO3 Castillo, na kapwa nakailag hanggang sa nagkapalit­an ng bala at bumulagta si Garcia habang nakatakas ang isa pa.

Narekober sa pinangyari­han ang isang cal. 45 pistol, na kargado ng apat na bala; anim na basyo at isang fired bullet habang nasamsam kay Garcia ang P1500 buy-bust money; tatlong pakete ng umano’y shabu at leather wallet na naglalaman ng photocopy ng kanyang discharge certificat­e mula sa Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR), na nakapangal­an kay Angelo Garcia y Tuna; at court order mula sa Pasay City Metropolit­an Trial Court (MTC) Branch 45 para sa kasong trespass to dwelling.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines