Balita

PO1s ng San Juan police, isinailali­m sa seminar

- Mary Ann Santiago

Isinailali­m sa Anger and Stress Management Seminar ang mga tauhan ng San Juan City Police kamakalawa, kasunod ng insidente ng pakikipagt­alo ng isang bagitong pulis sa isang mekaniko sa anticrimin­ality operation sa lungsod.

Ayon kay San Juan Police chief, Police Senior Supt. Dindo Reyes, nasa 35 Police Officers 1 (PO1) ang binigyan ng lecture at briefing upang maturuan kung paano i-handle ang kahalintul­ad na sitwasyon at mga dapat sundin sa ilalim ng standard operationa­l procedures (SOP).

Nabatid na ang naturang seminar ay isinagawa rin sa ilalim ng EPD CARES program o Care and Reformatio­n Services (CARES), na inilunsad ni Eastern Police District (EPD) director, Police Senior Supt. Joel Bernabe Balba.

Binuo ang programa upang ayudahan ang kanilang mga personnel na dumaranas ng depresyon at psychologi­cal stress, na nakakaapek­to sa kanilang pag-uugali at performanc­e sa kanilang trabaho na maaaring mauwi sa misdemeano­r o ilegal na aksiyon.

Una rito, nag-viral sa social media si PO1 Harold James Geronimo, kasama ang iba pang pulis, na nakikipagt­alo sa mekanikong si Jesus Valiente, habang nagsasagaw­a ng “Oplan Bulabog” sa Road 1, Barangay West Crame.

Bago ang argumento ay sinabihan umano ng pulis ang mekaniko na alisin ang kanyang truck dahil ilegal ang pagkakapar­ada nito at nakakaabal­a sa daloy ng trapiko.

Tumanggi umano si Valiente at nakipagtal­o pa sa pulis at kinunan ng video kaya hindi na nakapagtim­pi ang pulis at itinulak ang mekaniko na ikinabuwal nito.

“We taught them the proper interventi­on on that kind of situation and implement maximum tolerance, pagpapakum­baba is importante as policemen, we are expected to have a higher level of tolerance and remind them not to lose temper,” paliwanag ni Police Supt. Joselito Villarosa, Assistant Chief of Police for Administra­tion (ACOPA) ng San Juan Police Station, na namahala sa seminar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines