Balita

8 tiklo sa 20 pakete ng ‘shabu’

- Bella Gamotea

Nasa 20 pakete ng umano’y shabu ang nasamsam sa walong drug suspects na nasukol sa magkasunod na buy-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Romarate y Langaman, 44; Kevin Dizer y Hilaro; Katherine OliverosyF­ebidal,kapwanasah­ustong gulang; Mandy Cubid y Araneta, 43; Armando Cubid y Araneta, 42; Martie Esteva y Actiba, 32; at Victor Daquioag y Esguerra, 43, pawang ng Barangay Pitogo, Makati City.

Sa ulat ni PO3 April Castro ng Makati City Police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drugs Enforcemen­t Unit (SDEU), sa pangunguna ni Insp. Jeson Vigilla, at naaresto ang mga suspek sa Kalayaan Avenue, Spratly Compound, Bgy. Pitogo ng nasabing lungsod, dakong 7:00 ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang 17 selyadong pakete ng umano’y shabu, P200 buy-bust money, at drug parapherna­lia.

Agad na inalam ng awtoridad ang posibleng pinagkukun­an ng droga ng mga suspek kaya nagsagawa ng follow-up buy-bust operation sa General Santos St., Bgy. South Cembo, dakong 11:00 ng gabi.

Nadakip ang suspek na si Isagani Murao Regua, 30, ng No.5099 General Santos St., Bgy. South Cembo sa nasabing lungsod matapos bentahan ng P300 halaga ng umano’y shabu ang poseur-buyer.

Narekober kay Regua ang tatlong pakete ng naturang droga, P300 buybust money, cell phone, itim na pouch at motorsiklo (NC-54145).

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines