Balita

Walang leading man si Darna—Liza

- Ador V. Saluta

NAGSALITA na si Enrique Gil kung bakit hindi siya kasali sa pelikulang Darna ng ka-love team niyang si Liza Soberano.

Ayon sa aktor may nakaplano raw na project ang ABS-CBN for LizQuen, kaya lie-low muna ang pagsasama nila sa isang project. Ayon pa kay Enrique, bago raw matapos ang

Bagani ay nalaman niya kay Liza na sinu-shoot na nito ang Narda scenes minus him, despite Enrique’s confirmati­on before that he was supposed to be part of Liza Soberano’s Darna.

Lately, ayon sa aktor, ay nagpatawag ng storycon ang Darna production staff, at kanselado na ang partisipas­yon ni Enrique sa

Darna to give way for another project. “Dapat kasama talaga ako sa Darna. Nagmeeting kami, nag-storycon. Maganda ‘yung character, interestin­g. Tapos, a couple of weeks after, they called me back. Sabi nila, huwag nang ituloy, kinancel nila because they’re offering another project,” ani Enrique.

Sa hiwalay na panayam kay Liza, nilinaw ng aktres na wala talagang leading man si Darna.

“Ang alam ko po si Darna, walang leading man. Love interest po, pero walang leading man,” giit ni Liza. “Basta abangan po nila.”

Kanselado man ang partisipas­yon ni Enrique sa sa nasabing superhero film, ipinagmama­laki naman niya ngayon ang slim look ni Liza.

“Super sexy! Ibang klase. Compared to before, she really works out really hard,” kuwento ni Enrique.

Ano ang sekreto sa pagiging mas sexy ni Liza?

“Sa diet niya, sa kinakain niya, everyday. It shows, it shows. Pati sa taping, sila na nagsasabi na ang payat niya. She’s doing a great job. Para sa akin, siya talaga ang Darna,” sabi pa ni Enrique.

 ??  ?? Liza
Liza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines