Balita

Maine, super happy para kay Sheena

- Nora V. Calderon

NATUWA ang mga fans ni Maine

Mendoza nang maki-pose siya sa family ni Sheena Halili nang nakataas din ang kaliwang kamay.

Sa litrato, ipinakikit­a ni Sheena ang kanyang engagement ring, habang wedding ring naman ang suot ng Mommy ng aktres. Pero si Maine, wala namang suot na singsing sa kanyang kaliwang kamay.

Nag-break nga sa shooting si Maine ng Jack Em Popoy movie nila nina bossing

Vic Sotto at Coco Martin for the coming Metro Manila Film Festival sa December, para mag-attend ng engagement party ni Sheena sa fiancé nitong si Atty. Jeron Manzanero.

Naging close sina Maine at Sheena nang gawin nila ang teleserye nilang Destined To Be Yours, kung saan katambal ni Maine si Alden

Richards, for GMA Network in 2017.

Since then, kung may free time ang dalawa sa kani-kanilang busy schedule, o kung may important date sa pagkakaibi­gan nila ay nagkakasam­a sina Maine at Sheena. At nang maging boyfriend na nga ni Sheena si Jeron, madalas nilang kasama ito kung may night out sila.

Kaya pagkatapos ng marriage proposal ay kaagad na nag-post si Maine sa Twitter ng pagbati kay Sheena: “Congratula­tions, friend! I am sooooo happy for you! This is it!!! I pray nothing but the best for you and Jeron. Stay happy, @mysheenaha­lili (with a heart and ring emojis).

Tanong tuloy ng fans, si Maine, kailan naman siya mae-engage?

 ??  ?? Sheena at Maine
Sheena at Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines