Balita

Beyonce at Jay-Z mamimigay ng $1.1M college scholarshi­ps

-

MAGKAKALOO­B ang mag-asawang Beyonce at Jay-Z ng $1.1 million bilang scholarshi­ps para tulungan ang “exceptiona­l” high school students na makapagpat­uloy sa kanilang edukasyon.

Magsasanib-puwersa ang charities ng mag-asawa, ang The BeyGOOD Initiative at ang The Shawn Carter Foundation, para igawad ang $100,000 sa “one exceptiona­l senior high school student, with financial needs” sa bawat U.S. city sa nalalabing dates ng kanilang On The Run II Tour, ulat ng Cover Media.

Sa kabuuan, mamimigay ang APES**T hitmakers ng pondo sa 11 kabataan bilang ambag sa kanilang pagpapatul­oy sa pag-aaral, at hinihiling sa entrants na magpamalas ng “academic excellence” at ipakita ang “financial needs that would make it hard for them to enter a college or university for the academic year 2018-2019”.

Inihayag nina Beyonce at Jay-Z ang balita nitong Linggo, bago umakyat sa entablado para sa kanilang second show sa Atlanta, Georgia.

Magpapatul­oy ang kanilang On The Run II Tour sa Florida, Virginia, Louisiana, Texas, at sa kanilang home base na Los Angeles, at iba pa.

Inatasan ang mga opisyal mula sa local Boys and Girls Club of America ng bawat lungsod na tukuyin ang scholarshi­p winners.

Ipinahayag ang bagong student handouts apat na buwan matapos ang huling pagpapalaw­ak sa scholarshi­p program na naunang inilunsad ni Beyonce.

Si Jay-Z, ang tunay na pangalan ay Shawn Carter, ay mayroon ding sariling scholarshi­p fund sa pamamagita­n ng kanyang foundation, na itinatag niya noong 2003 kasama ang inang si Gloria Carter.

 ??  ?? Jay-Z at Beyonce
Jay-Z at Beyonce

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines