Balita

Ed Sheeran kasal na

-

KASAL na si Ed Sheeran sa kanyang longtime girlfriend na si Cherry Seaborn.

Kinumpirma ng Perfect singer ang balita nitong Lunes sa panayam ng U.S. news show na Access Hollywood, iniulat ng Cover Media.

Nakikipagt­sikahan si Ed sa reporter na si Scott Evans nang madulas siya sa big reveal, ipinaliwan­ag na hindi mahirap isekreto ang kanyang pagpapakas­al dahil napakaprib­ado naman niyang tao.

Hindi na siya nagbigay ng detalye kung kailan at saan ginanap ang kasal.

Si Ed at ang kanyang asawa ay na-engage nitong New Year’s Eve at ibinahagi ng singer ang balita sa kanyang fans sa bibihirang Instagram announceme­nt sa ilalim ng Polaroid photograph niya na niyayakap at hinahalika­n si Cherry.

“Got myself a fiance (sic) just before new year,” isinulat niya. “We are very happy and in love, and our cats are chuffed as well.”

Napilitan si Ed na itanggi ang mga ulat na ikinasal sila ni Cherry noong Pebrero, matapos siyang makitang nakasuot ng ‘tila silver wedding band sa kanyang ring finger.

Sa panayam sa red carpet ng Brit Awards sa London, tinanong si Ed tungkol sa mga bali-balita ng pagpapakas­al niya at sumagot na, “It’s an engagement ring.”

Tinanong din siya ng Sky News kung kailan sila ikakasal ni Cherry ngunit tumanggi ang singer na magbanggit ng posibleng wedding date, sumagot na, “It will be a situation like this where no one knows.”

Umusbong ang relasyon nina Ed at Cherry noong 2016 nang lumayo sa spotlight ang singer para mag-relax matapos ang ilang taong tuluy-tuloy na tour.

 ??  ?? Ed
Ed

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines