Balita

‘In My Feelings’ ni Drake, top summer song ng Spotify

-

ANG smash hit ni Drake na In My

Feelings ang pinangalan­ang official Song of the Summer ng Spotify, ayon sa Cover Media report.

Umani ang rap superstar ng mahigit 393 milyon streams mula Hunyo 1 hanggang Agosto 20 para manguna sa parehong U.S. at sa global lists, ginatungan ng popularida­d ng viral dance challenge ng kanta, na nilikha ng Instagram personalit­y at comedian na si Shoker, aka Shiggy.

Tinalo ni Drake ang double charge mula kay Cardi B, na inokupa ang second at third place sa worldwide poll dahil sa kanyang Maroon 5 collaborat­ion na Girls

Like You, na nagkaroon ng 293 milyong streams, at ang kanyang I Like It hit kasama sina J Balvin at Bad Bunny, na umani ng mahigit 289 milyon plays. Ang Lucid Dreams ni Juice WRLD at

Sad! ng tragic rapper na si XXXTentaci­on ang kumumpleto sa global top five, habang ang iba pang popular summer tracks ay kinabibila­ngan ng Better Now ni

Post Malone, One Kiss nina Calvin Harris at Dua Lipa, Solo mula sa Clean Bandit

at Demi Lovato, at No Tears Left to Cry ni Ariana Grande.

Samantala, sa U.S. countdown, ang Lucid Dreams at Sad! ang tumuntong sa pangalawa at pangatlo, ayon sa pagkakasun­od, bago ang I Like It ni Cardi B sa pang-apat. Ang Nice For What ni Drake ang kumumpleto sa top five ng bansa, habang mayroon pa siyang anim na ibang kanta listahan ng Spotify, kabilang ang

God’s Plan at I’m Upset.

Si XXXTentaci­on, binaril at napatau noong Hunyo sa edad na 20, ay isa pang top pick for fans, na pinaparang­alan ang kanyang alaala sa pamamagita­n rin ng pakikinig sa kanyang mga awiting

Moonlight, Changes, at Jocelyn Flores, na pawang nakapasok sa summer top 20.

 ??  ?? Drake
Drake

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines