Balita

US playwright, ‘king of comedy’ Neil Simon pumanaw na

-

Pumanaw na si

Neil Simon, ang prolific at Pulitzer Prize-winning US playwright na tinitingal­a bilang king of comedy na nanalo ng mas maraming pinagsaman­g Oscar at Tony nomination­s kaysa iba pang showbiz writer, nitong Linggo. Siya ay 91 anyos.

Ang utak sa likod ng mahigit 30 plays, 20 screenplay­s at limang musicals, binansagan siya ng Time magazine na “patron saint of laughter.”

Karamihan sa kanyang mga gawa ay classics ng 20th century American theater at utang din kay Simon ang seminal role – kasama ang film director na si Woody

Allen -- sa re-crafting ng US humor noong 1960s at 1970s.

Ramdam ang kanyang impluwensi­ya sa loob ng maraming henerasyon, ikinumpara ng The New York Times ang early comedies ni Simon sa character-based comedy ng 1990s hit sitcom na Seinfeld.

Ipinahayag ng longtime friend niyang si

Bill Evans ang kanyang pagpanaw nitong Linggo sa isang ospital sa New York dahil sa mga kumplikasy­on ng pneumonia.

Nasa kanyang tabi ang kanyang asawa, anak na babae, at apong lalaki, sinabi ni Evans sa AFP. Kinatawan niya si Simon sa loob ng tatlong dekada mula 1976 hanggang 2006.

Si Simon ang author ng critically

acclaimed at commercial hits gaya ng Barefoot in the Park (1963), The Odd Couple

(1965), The Sunshine Boys (1974), at Lost in

Yonkers (1990).

Karamihan ng kanyang mga gawa ay binunburan ng witty one-liners, isinasalay­say ang everyday struggles ng middle-classes at inter-family conflict, na naimpluwen­siyahan ng kanyang paglaki sa panahon ng Great Depression.

“The good mechanic knows how to take a car apart; I love to take the human mind apart and see how it works. Behavior is absolutely the most interestin­g thing I can write about. You put that behavior in conflict and you’re in business,” sinabi ni Simon sa

The Paris Review noong 1992. Inilarawan ni Simon ang kanyang craft bilang catharsis.

 ??  ?? Neil
Neil

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines