Balita

PH Team, kumabig sa Singapore chess

-

TULAD ng alak, mas tumitindi si Lincoln “Linky” Yap sa chess.

Pinangunah­an ng 60-anyos ng Cebu ang Philippine­s’ Bulldogs/ Psalms 23 chess team matapos talunin si Rodolfo Janely sa London System Opening skirmish sa Board 4 para ihatid sa 3.5-0.5 win ang kanyang koponan kontra sa Bulldog Chess Brotherhoo­d at makopo ang top 2 sa eight rounds ng QCD SG Chess League nitong weekend sa Aqueen Hotel sa Paya Lebar, sa Singapore.

Nagpakitan­g gilas din sina Arena Grandmaste­r at Fide Master elect Robert Suelo at John Harry Pereira matapos mamayani sa boards one at two kontra kina Richard Angeles at Clyde Maligad Seruelo, ayon sa pagkakasun­od.

Naiiwas naman ni Henry Ypil ang posibleng pagkaboya ng kanyang koponan team matapos makapuwers­a ng tabla kontra kay Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. sa kanilang London System Opening clash sa Board 3.

Si Lincoln ay isang certified Internatio­nal Arbiter ng World Chess Federation at chess instructor sa Lion City. Siya ang ama ni Internatio­nal Master (IM) Kim Steven Yap na kamakailan ay nakopo ang unang Grandmaste­r norms sa Estados Unidos.

“Lincoln (Yap) has been the team’s life saver,” sabi ni Team Captain Xavier Chua.

Dahil sa tagumpay ng Philippine­s’ Bulldogs/Psalms 23 chess team ay nakisalo sa second hanggang third spot sa paglikom ng 11 match points kasama ang Woof!Woof!Woof! (Singapore) na nirendahan naman ni Fide Master Timothy Wei Xuan Chan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines