Balita

Aces, mapapalaba­n kay ‘Beast’ Abueva

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Columbian Dyip vs NLEX

7:00 n.h. -- Phoenix vs Alaska

SOLONG liderato ang nakatakdan­g pag-agawan ng mga kasalukuya­ng namumunong Phoenix at Alaska sa tampok na laro ngayong gabi sa 2018 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum sa Cubao,Quezon City.

Nakasentro ang atensyon kay Calvin Abueva na sasabak sa unang pagkakatao­n laban sa dating koponang Aces.

Ipinamigay ng Alaska ang kontrobers­yal na national team mainstay sa isang trade sa Phoenix matapos ang anim na taong paglalaro sa Aces mula nang gawin siyang second overall pick noong 2012 drafting.

Ngunit, ayon kay Abueva, wala syang anumang iniisip tungkol sa laban.

“Wala naman,” anang 30anyos na forward.“Di naman sa player yan eh, sa coaches ‘yan kung ano dapat nilang gawin.”

“Actually focus muna kasi itong month na ‘to, four games kami,” pahayag ng two-time Mythical First Team member.

“Walang pahinga ‘to, kailangan namin i-focus to hanggang 31.”

Sasakyan naman ng Aces ang momentum ng huling malaking panalo kontra TNT Katropa kung saan bumida ang mga guards na sina Simon Enciso at Chris Banchero na umiskor ng career best 30- puntos at 14 assists, ayon sa pagkakasun­od.

Samantala sa unang laro, magsisikap namang makabalik ng winning track ng NLEX pagkaraang putulin ng Magnolia ang nasimulan nilang back-toback wins sa pagtutuos nila ng Columbian Dyip na nais namang makapasok ng win column matapos ang unang dalawang kabiguan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines