Balita

Davao Cocolife Tigers, angat sa Kapampanga­n

-

BALIK ang Davao Occidental COCOLIFE sa kanilang balwarte bitbit ang isang kumbinsido­ng panalo upang paghandaan ang panibagong hamon sa nakatakdan­g bakbakan ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Davao invasion sa Agosto 30.

Nilapa ng Davao COCOLIFE Tigers ang palabang Pampanga Lanterns,82-77 kamakalawa sa Alonte Sports Center , Binan City sa Laguna.

Nagpasikla­b si dating pro Bonbon Custodio partikular sa krusyal na endgame upang ibulsa ng Davaoenos ang ika-apat na panalo sa pitong laro at ipalasap naman sa mga Kapampanga­n ang pang-apat na kabiguan sa pito ring asignatura sa Datu Cup ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.

Angat ang Lanterns,75-74, higit 2 minuto sa laban nang kumamada si Custodio ng anim na sunod na puntos upang umangat tungo sa pagtala ng kumbinsido­ng panalo ng Mindanao team ni Madam Claudine Bautista kaagapay sina COCOLIFE president Elmo Nobleza,FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan.

Nag-ambag din sa panalo ng Tigers sina PBA veterans Leo Najorda ,Mark Yee at Billy Robles na may 21,14 at 13, ayon sa pagkakasun­od.

Nabalewala naman ang magiting na laban ni Pampangos Michael Juico na may game high 26 puntos katuwang si Jerry Nacpil na may 10 puntos.

Ang Davao Occidental COCOLIFE sa pangangasi­wa nina Bhong Baribar at Ray Alao sa timon ni coach Don Dulay ah haharapin ang Valenzuela sa Agosto 30 sa Davao City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines