Balita

Sunang at Cray, diretso retiro na?

-

JAKARTA – Tila kailangan nang ibaba ang telon sa career ni long jumper Marestella Torres Sunang. At maging kay Fil-Am Eric Shawn Cray.

Sa kanyang ikatlong Asian Games, nabigo ang Sea Games long jump Queen na makasabay sa mas batang karibal sapat para makapuwest­o sa ikasiyam sa women’s long jump event Lunes ng gabi sa Gelora Bung Karko Main Stadium.

Sa edad na 37-anyos, naitala ni Sunang ang layong 6.15 meters sa 11 kalahok sa event.

Nakamit ni Thiu Thu Tao Bui ng Vietnam, mas bata sa edad na 26, ang gintong medalya (6.55m) kasunod si Neena Varakil ng India, 28, (6.51) at China’s Xu Xiaoling, 26, (6.50m).

Kumain naman ng alikabok si Cray na tumapos sa ikapito sa siyam na finalist sa 400m hurdles sa tyempong 51.53, mas mabagal sa 50.54 na naitala niya sa semifinals.

Kapwa nasira ng podium finishers ang 50-second barrier, tampok si Abderrahma­n Samba ng Qatar na nagtala ng bagong Asian Games record sa 47.66 segundo. Nabura niya ang 16-year-old mark na 48.42 ni Al Somaily Has noong 2002 Busan Games.

Sumegunda si India’s Dharun Ayyasamy (48.96) kasunod si Japan’s Abe Takatoshi (49.12).

Target ni Cray, two-time 400m hurdles’ champion sa SEA Games (Myanmar 2013 at Singapore 2015), na makabawi sa 4x100 kasama sina Anfernee Lopena, Clayton Bautista at Trenten Beram sa Huwebes.

Sasabak naman sina Beram at isa pang FilAmerica­n na si Kristina Knott sa 200 meters ngayon, habang mapapalaba­n si EJ Obiena sa men’s pole vault.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines