Balita

Liza, bet na Darna ng Ravelo siblings

- Ni MERCY LEJARDE

ANG discoverer-mentor ni Yours Truly sa Ravelo Publicatio­n noong dekada ‘70 na si Mars Ravelo (Uncle Mars to many from showbiz noong siya ay nabubuhay pa) ang may-akda ng hindi malilimuta­ng mga obra sa komiks, tulad ng Dyesebel, Maruja, Bondying, Facifica Falayfay, Captain Barbell, Tubog Sa Ginto, Trudis Liit, at Darna to name a few.

Hanggang ngayon, in the millenial era, ay buhay pa rin ang mga nasabing obra ni Uncle Mars, tulad ng Darna na ilang beses nang naisapelik­ula at nagbida na rin sa teleserye, na ginampanan nina Angel Locsin at Marian Rivera sa GMA-7.

This 2018, magbabalik-pelikula si Darna, na gagampanan naman ni Liza Soberano, at sinasabing produced ng Star Cinema.

Kamakailan ay kinuhanan ni Yours Truly ng komento at opinyon ang mga anak ni Uncle Mars kung pasado ba sa kanila si Liza bilang Darna sa pelikula.

“Cannot comment. ‘Di ko pa siya napanood kahit song or dance number. Pati soap niya wala pa ‘kong napanood,” pag-amin ni Renee Ravelo.

“I think she’s skinny. Wala siya sa katawan nina Gina Pareño, Angel

Locsin, Marian

Rivera at ung una na Darna. . Comparable ang katawan niya kay Nanette Medved. Pareho rin

silang Inglisera.

“I think a little workout sa boob at butt and okay na siya,” sabi ni Renee. “Okay si Liza, maganda ang mukha at figure, mahusay bilang Darna,” sabi naman ni Richard

Ravelo.

“Age-appropriat­e naman siya. Plus factor ‘yung beauty niya na exotic na mestisa, saka ‘yung built niya tama [lang], ” komento naman ni Gina Ravelo-Marasigan

“For me, sana magampanan niya nang mabuti ang papel bilang Darna. Perfect ang beauty niya,” sabi naman ni Rita Ravelo-dela

Cruz.

Hindi naman namin nahingan ng komento sina Rex Ravelo, Roli Ravelo

(na nasa Amerika), at Ruby Ravelo, na ayon kay Rita ay kagagaling lang sa heart operation. Anyway, get well soon, Ruby! Sa pananaw naman ni Yours Truly, may K ang mukha, katawan, at acting ni Liza para gumanap na Darna as in New Darn a 2018, sa true lang. Maski tanungin n’yo pa ang kanyang mentoor-discoverer cum business manager na si Panyerong Ogie Diaz. Yun na!

 ??  ??
 ??  ?? Liza
Liza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines