Balita

Batang nalock, nahulog sa 16th floor

- Bella Gamotea

Patay ang isang batang lalaki nang aksidente umanong mahulog mula sa bintana ng ika-16 na palapag ng gusali sa Parañaque City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Lucky Parana y Bukid, 4, ng No. 324 Lower Sto. Niño, Cogio, Antipolo.

Sa naantalang ulat ni Senior Supt. Victor Leon Rosete, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente sa isang condominiu­m unit na matatagpua­n sa Barangay Marcelo Green sa nasabing lungsod, bandang 1:45 ng hapon.

Sa pahayag sa awtoridad ng ina ng bata, si Salvacion Parana, 40, caretaker ng condominiu­m unit, nagpunta sila roon ng anak upang kunin ang susi mula sa unit guest na katatapos lang magcheckou­t at linisin ang nasabing lugar.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, nang magtapon ng basura si Salvacion at iwan ang biktima sa loob ng unit, ay aksidenten­g nagsara ang main door.

Napansin lamang ni Salvacion na naka-lock ang pinto nang tangkain buksan ngunit ayaw kaya agad na humingi ng tulong upang mabuksan ang pinto, subalit wala umanong duplicate key kaya nagtungo pa siya sa engineerin­g office.

Nang mabuksan ang pinto, agad nilang hinanap ang bata at natagpuan sa metal grills sa ibaba ng parking lot.

Sinasabing binuksan ng bata ang bintana ng unit at doon dumaan na naging sanhi ng kanyang pagkahulog.

Tinangka pang isugod sa ospital ang biktima, ngunit hindi na umabot nang buhay.

Patuloy na iniimbesti­gahan ang pangyayari.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines