Balita

Regine, lilipat na sa Dos?

- Ni NITZ MIRALLES

BAKIT si Regine Velasquez kaagad ang naisip ng mga nakabasa sa blind item na top Kapuso star na lilipat sa ABS-CBN kapag natapos na ang umeereng show nito ngayon? Wala bang ibang top Kapuso star na aakma sa clue ng mga lumalabas na blind item?

Ang sabi sa blind item, tatapusin lang ng Kapuso star ang show nito ngayon at saka magbababu na sa network kung saan matagal siyang nakakontra­ta. Ang The Clash daw ang sinasabing show na tatapusin lang ng Kapuso star, na hanggang September o October na lang yata.

May unconfirme­d reports din na nagpaalam na si Regine sa mga kasama sa Sarap Diva, na iiwan na rin daw niya. Nalungkot nga raw ang staff at ang co-host ni Regine sa nasabing show. Ibig sabihin, ‘pag nawala si Regine, tiyak na mawawala na rin ang Sarap Diva.

Unang lumutang ang tsikang aalis sa GMA-7 si Regine at lilipat sa ABS-CBN nang mag-post sa Instagram ang isang Kapamilya star na hinihintay na niya si Regine sa ABS-CBN. Tapusin na raw nito ang commitment­s sa GMA-7 at magsama na sila sa Kapamilya Network.

May mga Kapuso viewers na pumasok sa IG ni Regine at nagtatanon­g kung siya ang nasa blind item. May mga nag-suggest na kumpirmahi­n na niya kung lilipat siya para hindi na sila mabigla.

Ang magandang gawin, hintayin ang announceme­nt ni Regine at ng GMA Network. Ang next na aabangan ay ang announceme­nt ng ABS-CBN na pagwe-welcome kay Regine bilang bagong Kapamilya talent.

 ??  ??
 ??  ?? Regine
Regine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines