Balita

Fr. Picardal handang tumestigo sa ICC

- Mary Ann Santiago

Hindi natatakot at sa halip ay nagpahayag ng kahandaan si Father Amado Picardal na tumestigo sa Internatio­nal Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Duterte.

Ito ay sakaling maisulong ang reklamong isinampa sa ICC laban sa Pangulo kaugnay ng mga patayan sa Davao City, at sa mga sinasabing extrajudic­ial killings na may kinalaman sa kontrobers­iyal na war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Picardal, hindi siya natatakot na tumestigo sa ICC laban sa Pangulo.

Gayunman, tumanggi siyang maging testigo sakaling maglunsad muli ang Senado ng hiwalay na imbestigas­yon sa mga kaso ng EJK sa bansa, dahil balewala rin lang naman ito, aniya.

“ICC, yes. Senate, no. It is useless,” maikling mensahe ng pari, na tumanggi na ring makapanaya­m dahil sa panganib sa kanyang buhay.

Matatandaa­ng ibinunyag kamakailan ni Picardal na kabilang umano siya sa death list ng Davao Death Squad (DDS).

Naniniwala ang pari na target siya ng DDS dahil sa mga pangaral at sa mga naisulat niya hinggil sa extrajudic­ial killings sa nakalipas na 20 taon.

Hindi naman makumpirma ng pari kung mismong ang Pangulo ang nag-utos na ipapatay siya, bagamat iginiit niyang determinad­o ang death squad na tapusin ang kanyang buhay.

Umapela rin si Picardal sa publiko ng panalangin para sa bayan at para sa kanyang kaligtasan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines