Balita

Ika-122 anibersary­o ng Battle of Pinaglaban­an Programa sa cancer

- Bert De Guzman Mary Ann Santiago Bert De Guzman

Nagtipun-tipon kahapon ang mga opisyal at residente ng San Juan City para gunitain ang ika122 anibersary­o ng Battle of Pinaglaban­an.

Nagsimula ang pagdiriwan­g dakong 8:00 ng umaga sa tapat ng City Hall, sa pangunguna nina Mayor Guia Gomez, Senator JV Ejercito, Vice Mayor Janella Ejercito, Eastern Police District (EPD) Director P/Senior Supt. Joel Bernabe Balba, at iba pang opisyal ng lungsod.

Si Sen. Nancy Binay ang nagsilbing panauhing pandangal sa okasyon, na nagsabing malaki ang ginampanan ng mga ninuno sa bayan ng San Juan, mga katipunero at iba pang lider ng himagsikan para makamit ang tunay na kapayapaan, kaya’t marapat lamang itong kilalanin ng mga Pinoy.

Ang tema ng pagdiriwan­g ngayong taon ay “Pinag-isa ng Kalayaan tungo sa Maunlad na Kinabukasa­n.” Nag-alay ang mga opisyal ng mga bulaklak sa Pinaglaban­an Shrine gayundin sa monumento nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio.

Ipupursige ng House Committee on Appropriat­ions sa ilalim ni Rep. Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City) na mainstitut­ionalize ang National Integrated Cancer Control Program (NICCP), na magsisilbi­ng framework para sa lahat ng mga aktibidad ng gobyerno na may kaugnayan sa cancer.

Dumalo sa pagdinig ang cancer survivors at anti-cancer advocates na nagpahayag ng kasiyahan sa pagpapatib­ay ng komite sa panukalang batas.

Inakda ito nina Reps. Geraldine Roman (1st District, Bataan), Estrellita Suansing (1st Distirct, Nueva Ecija), at Alfred Vargas (5th District, Quezon City), at itinaguyod ni Committee on Health Chairperso­n Angelina Tan (4th District, Quezon).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines