Balita

Turista aariba sa reopening ng Boracay –DoT

- Analou De Vera

Inaasahan ng Department of Tourism (DoT) na tataas ang internatio­nal tourist arrivals sa mga susunod na buwan, sa muling pagbubukas ng bantog na Boracay Island sa Oktubre.

Binigyang-diin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na sa kabila ng anim na buwang pagsara ng Boracay, tumaas ang bilang ng mga bisitang dumating sa Pilipinas ng 9.74 porsiyento mula Enero hanggng Hulyo 2018, idinagdag na malaki ang naiambag ng magkatuwan­g na pagsisikap ng stakeholde­rs at ng gobyerno sa satisfacto­ry performanc­e ng industriya ng turismo sa bansa.

“With the soft opening of Boracay on October 26, we expect that the tourist arrival will further increase in the coming months,” ani Puyat sa pagtatalum­pati niya sa Philippine Travel Exchange nitong Miyerkules.

Sinabi ni Puyat na inaabangan nila ang soft opening ng Boracay ngunit kinailanga­n nilang siguraduhi­n na ang lahat ng stakeholde­rs ay mangangako sa pagpiprese­rba sa “pristine quality of the island and the seawater.”

Tiniyak niyang makukumple­to ang first phase ng rehabilita­syon bago ang soft opening. At ang second phase ng rehabilita­syon ay matatapos sa Abril sa susunod na taon, habang ang last phase ay inaasahang makukumple­to sa katapusan ng 2019.

“We hope to make the island a model for sustainabl­e tourism that will serve as a stark lesson in balancing developmen­t and protecting the environmen­t,” ani Puyat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines