Balita

Fox puwede pang umapela vs deportasyo­n

- Jun Ramirez at Mina Navarro

Sinabi kahapon ng Bureau of Immigratio­n (BI) na maaari pang iapela ng madreng Australian na si Patricia Anne Fox sa Malacañang, Supreme Court, o sa Department of Justice ang deportatio­n order na inilabas laban sa kanya.

Ito ang ipinahayag ng BI legal officials matapos ibasura ang motion for reconsider­ation ni Fox na humihiling na bawiin ang deportatio­n order na magiging final and executory makalipas ang 30 araw ng pagtanggap nito.

Sa tatlong pahinang resolution na nilagdaan noong Agosto 23 ng BI Board of Commission­ers (BoC) na binubuo nina Commission­er Jaime Morente, Deputy Commission­ers J. Tobias Javier, at Marc Red Marinas, ibinasura ang mosyon ni Fox dahil “no new matters raised that warrant the modificati­on or reversal of the resolution.”

Naglabas ang BI ng deportatio­n order laban kay Fox nitong Hulyo dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanyang pananatili at pagiging undesirabl­e alien.

Nilinaw ni BI Spokespers­on Dana Krizia Sandoval ang mga akusasyon ni Fox na wala pa man ay hinusgahan na ng BI ang kaso batay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay undesirabl­e alien.

“A deportatio­n order was issued against Sister Fox for violating the conditions of her visa and for being undesirabl­e,” ani Sandoval.

“She was authorized to conduct only missionary works, but had attended and joined numerous political activities contrary to the limitation­s of her visa,” idinugtong niya.

Muling idiniin ni Sandoval na ang mga banyaga ay hindi pinapayaga­n na makilahok sa mga demonstras­yon sa bansa at kailangang sumunod sa batas ng Pilipinas o mahaharap sa deportasyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines