Balita

Kano tiklo sa pangangata­y sa business partner

- Mary Ann Santiago at Fer Taboy

Arestado ang isang Amerikano na suspek sa pananaksak at pagpatay sa Australian na kasosyo nito sa negosyo sa loob ng kanilang opisina sa Barangay Sta. Lucia, Pasig City, kamakalawa.

Habang inaaresto ng awtoridad ng Pasig City Police-Follow-Up Unit ay nagtangka pa umanong magbigti si Kenneth Domell Bethea, 58, ng Unit 223, ng One Oasis Condominiu­m, Ortigas Avenue Extension, sa Bgy. Sta. Lucia.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director, Police Senior Supt. Joel Bernabe Balba, si Bethea ay inaresto sa basement parking lot ng kanyang condo unit dahil sa kasong pagpatay kay Lambros Zervas, residente rin ng naturang condominiu­m building, bandang 5:00 ng hapon kamakalawa.

Una rito, bandang 4:45 ng hapon ng Agosto 28, nagtungo si Bethea sa opisina ng Lily Carpet Cleaning Services, na pagma-may-ari nila ni Zervas, na matatagpua­n sa Building L, One Oasis Hub A.

Sinasabing nangunguta­ng ang suspek sa biktima, ngunit tumanggi ang huli kaya nauwi sa pagtatalo hanggang sa pagsasaksa­kin at mapatay ng suspek ang biktima.

Nadiskubre ni Diosdado Gregorio, dating empleyado, ang pagpatay sa biktima nang utusan siya ng maybahay ni Zervas, na si Rocelyn, na buksan ang opisina ng asawa.

Humingi ng tulong si Gregorio at isinugod sa Pasig City General Hospital ang biktima, ngunit huli na ang lahat.

Natukoy na si Bethea ang may kagagawan ng krimen matapos na mapanood sa closed-circuit television (CCTV) footage na siya ang huling lumabas sa kanilang tanggapan.

Nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis at natagpuan si Bethea sa basement parking lot ng gusali kung saan siya nagpalipas ng magdamag matapos na mapatay ang biktima.

Tinangkang pasukuin ng mga pulis ang suspek, ngunit umakyat ito sa hood ng isang sasakyan, nagtali ng lubid sa leeg, at nagbantang magpapakam­atay kapag nilapitan siya ng mga pulis.

Sinikapnga­wtoridadna­mapasuko nang mapayapa ang suspek, ngunit biglaumano­itongtumal­onsabehiku­lo upang magbigti.

Gayunman, naputol ang lubid na itinali nito sa kanyang leeg at tuluyang inaresto.

Kasalukuya­ng nakakulong ang suspek sa Pasig City Police Station at kakasuhan ng murder.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines