Balita

Habambuhay sa ex-air force sa Fil-Am slay

- Orly L. Barcala

Hinatulan ng reclusion perpetua without eligibilit­y for parole ang dating staff sargeant ng Philippine Air Force (PAF) at hitman nito na kapwa mastermind sa pagpatay sa isang Filipino-American, sa promulgati­on sa Bulwagang Katarungan sa Valenzuela City.

Sa 22 pahinang desisyon ni Hon. Emma C. Matammu, presiding judge ng Valenzuela City Regional Trial (RTC) Branch 269, nagkasala sa kasong murder sina Avelino Tamayo, 44; at dating sundalo na si Gilbert Canada Raro, 45, ng Block 9, Lot 9, Phase Sarmiento Town Village, San Jose Del Monte, Bulacan.

Bukod sa habambuhay na pagkakabil­anggo, pinagbabay­ad din sila ng P100,000 para sa indemnity; P100,000 sa moral damages; at P50 000 sa temperate damages.

Sa record ng Valenzuela Police, magkasama sa loob ng taxi sina Tamayo at ang Fil-Am na si Antonio Fermo, 65, nang barilin ng una ang huli.

Agadnabuma­basataxian­gsuspek at sumakay sa isang nakaparada­ng Nissan Urban (AIA-1574) sa Barangay Dalandanan ng lungsod.

Sa pamamagita­n ng closed-circuit television (CCTV) footage, natukoy kung kanino nakapangal­an ang sasakyan at ang driver nito ay si Romeo D. Bagtas.

Inimbitaha­n si Bagtas sa presinto at sinabing inarkila siya ni Raro at wala siyang alam sa patayan.

Pinuntahan ang bahay ni Raro at inaresto, at umaming inutusan niya si Tamayo na patayin si Fermo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines